89 migrant patay matapos ang paglubog ng sinakyang bangka sa Mauritian

Patay ang nasa 89 na migrants matapos ang paglubog ng bangka na kanilang sinasakyan sa karagatan ng Maurtania.

Ayon sa Mauritanian Coast Guard na nailigtas nila ang siyam na katao kabilang ang 5-anyos na batang babae.

Naganap ang paglubog sa karagatang bahagi ng Atlantic Ocean malapit sa Lungsod ng Ndiago.

Naniniwala ang mga otoridad na overloaded ang bangka ng mangyari ang insidente.