Kuh Ledesma says belting not necessary if it’s “masakit sa tenga”

Magkakaroon ng concert ang Pop Diva na si Kuh Ledesma na pinamagatang Kuh Sings her ABC.

Gaganapin ito sa August 3, 2024, Sabado, 7:30 p.m. sa ballroom ng Winford Resort and Casino Manila.

Kuh Ledesma at the presscon for Kuh Sings Her ABC
Kuh Ledesma at the presscon for Kuh Sings Her ABC

Photo/s: Rommel Gonzales

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuh sa mediacon na ginanap sa parehong venue, nitong Miyerkules, July 3, 2024.

Kuwento ni Kuh, ang ABC ay tumutukoy sa repertoire niya sa concert.

“ABC means my chosen singers, composers, kasi one and a half to two hours lang naman yung show, di ba?

“So, ABC pa lang which is the basic of what I love from other singers, from the people who have given me their compositions to record, yung ganun, my hits, na ABC.”

Ang “A” ay sumisimbolo sa rendition niya ng mga kanta ng sikat na international singer na si Adele.

Bahagi rin sa “A” ang singer-songwriter na si Cecile Azarcon.

Azarcon, who composed a lot of my songs, yung “I Think I’m in Love,” also “One More Try,” “Hello,” marami pa.

Ang “B” ay para sa mga kanta ng pamosing singer na si Barbra Streisand, na madalas daw niyang kantahin noong nagsisimula siya bilang singer.

“That’s my past, so because it’s my basic. That’s the artist that I really look up to when I was just starting.”

Ang “C” ay para sa respetadong composers na sina George Canseco at Ryan Cayabyab, na naging malaking bahagi ng kanyang musical career.

Dagdag ni Kuh, “We are also experimenting with other artists, so for this show, ano muna, yung mga ABC muna na hindi pa din namin nakakanta.”

May mga kanta mismo ni Kuh na aawitin niya sa concert.

“We’ll find a way to make it ABC,” saad ni Kuh.

KUH LEDESMA ON WHAT MAKES A GREAT SINGER

Thirty six years na si Kuh sa OPM scene.

Nang tanungin kung sino ang maituturing niyang greatest singer, pinili niya ang ilan sa mga global icons.

“As a singer, and even if you ask those who really understand what singing is all about and placement, also vocal tone, kailangan yung tone kasi tama, I would really choose Whitney Houston.”

Tingin ni Kuh, walang makakalampas sa galing ni Whitney, na nagpasikat ng di mabilang na hit songs tulad ng “I Will Always Love You,” “I Have Nothing,” “Greatest Love Of All,” “One Moment In Time,” at “Where Do Broken Hearts Go?”

“Kasi natural yung kanya, e,” paglalarawan ni Kuh sa talento ni Whitney.

“And I believe it’s because as a young girl she was already singing in church, so talagang na-hone yung talent niya.”

Idolo rin ni Kuh si Barbra.

“Of course, her tone is different, it’s very unique.

“At the same time, you know, when she belts, she’s not shouting, but it is what the dynamics that is necessary for the song.

“So, actually a good singer does not necessarily belt in a way na masakit sa tenga, yung ganun.

“Dapat beautiful pa rin, and that’s Barbra Streisand for you. Even for Whitney Houston.

“I don’t choose the others because I’m not really into their songs.”

Isa pang binanggit ni Kuh ay ang British singer na si Seal, na pinasikat ang “Kiss From A Rose,” na theme ng pelikulang Batman Forever noong 1995.

“A few years back, I discovered a male singer who I love, and that’s Seal.

“Because of his arrangements, his songs, the content of his lyrics, so I love Seal as well.

“Because hindi mapanggap yung kanyang way of singing, it’s really uniquely his, iyon.”

ON NEW BREED OF SINGERS

Sa local scene, gusto ni Kuh na makatrabaho si KZ Tandingan.

“I’d like to do something with KZ Tandingan, because when I was starting and even now, you know, well I see that she likes to put drama in her performance.

“And she’s quite unique, very talented. I’d like to see what we can do together.”

Ano ang mayroon sa isang diva na tulad ni Kuh na hindi kayang gayahin ng ibang mang-aawit?

“May mga kumokopya na nga sa aking mga bading e,” natawang saad ni Kuh.

Nang tanungin uli kung ano ang trademark niya na di kaya gayahin ng iba, sagot niya, “Ay, you have to ask them.”

Naniniwala si Kuh na may kanya-kanyang talento ang bawat singer.

“You know, I believe that everybody’s got a unique touch, okay? Nobody can really be exactly be you.

“Although Ariana Grande copies a lot of singers and wow, she can really mimic them!

“But then again, when you really listen to the original, hindi pa din, you know what I mean?

“So, God created us uniquely and different from one another, kasi regalo ng Diyos yun, e.

“So mas maganda na hindi tayo nangongopya.”

Kamakailan ay nag-viral ang video ng guesting ni Stell ng SB19 sa concert dito sa Pilipinas ng Canadian composer at music icon na si David Foster.

Buong husay na ibinirit ni Stell ang kantang “All By Myself,” at umani ito ng papuri mula sa netizens na napanood ang viral video ng performance.

Hiningan ng PEP ng reaksiyon si Kuh sa hilig ng mga Pinoy sa mga birit at ubod ng taas na vocal range.

Wala namang komento si Kuh para kay Stell.

Nagpaalala lang siya tungkol sa ibang singers na basta bumibirit kahit hindi kailangan.

“Siyempre importante na meron kang power, whether you are an alto singer or soprano, siyempre importante iyon.

“Pero I’m not gonna be biased to listen or support a singer just because mataas lang, but I’d like to be able to visualize a song with the singer.

“Ang importante there’s a story na nailalabas niya yung meaning ng song. Kung kailangan yung birit, fine, as I said, hindi kailangan sumisigaw.

“Yung tamang dynamics lang na hindi masakit sa tenga, di ba?

“I think singers will be more appreciated when it is an art form ang singing, not necessarily yun bang payabang form, you know what I mean?

“Kasi this is where we separate the ones that truly are gifted and those that you know, gusto lang talagang umawit kasi malakas ang boses, pero hindi niya naiintindihan yung meaning ng song, hindi niya pinag-aaralan talaga.”

Sa mga batang singers meron ba kayong nakikita na naiintindihan iyon?

Sagot ni Kuh, “Actually, si Jonalyn Viray, for me is a very good singer, at saka napakabait na bata.

“Bumibirit siya pero hindi siya yung ine-ekstrahan ba, para lang sabihin na, ‘Ay ang taas ng boses, ang lakas ng boses’, yung ganun.

“No, she’s a good singer! When I say good singer it’s because that is what is necessary for the song.

“Sino pa ba? Si KZ din, pero hindi naman talaga masyadong bumibirit si KZ.”

Nabanggit din ni Kuh si Regine Velasquez na kilalang belter.

“There are times that I can really appreciate si Regine, because you know, talagang there are songs that I think, maybe kasi paborito niyang kanta.

“Talented talaga si Regine when you think about it, minsan lang, sa tingin ko, ha, well Regine herself said na, ‘Ito gusto ng tao sa akin, e.’

“Kapag hindi siya bumirit parang may kulang, you know, yung ganun.”

SURPRISE NUMBERS?

May pasabog ba si Kuh sa kanyang upcoming concert?

“Meron,” bulalas ni Kuh.

Patuloy niya, “Pero hindi yung anything na parang may nagawa akong imoral na alam mo yun.

“Meron kasi akong pasabog noon when I got pregnant, talagang nagpa-concert ako at sinabi ko na I’m pregnant.

“Siyempre na-front page yata ako nun.

“Well, hindi naman pasabog, but I’m bringing someone who is a surprise guest.”

Special guests ni Kuh sa Kuh Sings Her ABC ang mga baguhang male singers na sina Nathan Randall at David Young. Ang direktor ay si Vergel Sto. Domingo.

Maaring tumawag sa Ticketnet (0927-2978027 at 0960- 88502889) para sa karagdagang detalye para sa tickets.

Kuh Ledesma with her guests at her concert Kuh Sings Her ABC
Kuh flanked by David Young (left) and Nathan Randall (right)

Photo/s: Rommel Gonzales