Kim Chiu felt giddy upon Oliver Moeller’s visit on Showtime Live.

Muling napag-usapan ang naging ‘searchee’ kamakailan sa It’s Showtime na si Oliver Moeller sa segment na Expecially For You dahil sa kanyang muling pagbisita sa show ilang araw matapos sumali sa nasabing segment.

Si Vice Ganda ang unang nakapansin kay Oliver Moeller sa audience at nagbiro kung si Kim Chiu ba ang dinadalaw nito sa It’s Showtime.

Nagkaroon ng reaksyon mula sa mga netizens na pabor sa tambalan ng dalawa. Subalit, hindi ikinatuwa ng mga KimPau fans ang posibleng relasyon nina Kim Chiu at Oliver Moeller at nagbanta sila ng pag-boycott sa It’s Showtime kung totoo ang kanilang relasyon.

Nalaman na may endorsement si Oliver Moeller sa Manila kaya’t nagkaroon ito ng pagkakataon para makapanood sa It’s Showtime. Marami ang kinilig sa mga post sa social media ni Oliver Moeller kung saan makikita ang larawan nila ni Kim Chiu sa dressing room ng It’s Showtime.

Napansin ng madaming netizens ang malakas na chemistry ng dalawa at tila may connection dahil pareho silang taga-Cebu City. May naglabas ng payo kay Kim Chiu na si Oliver Moeller na lang daw ang dapat entertaintin kung sakaling manligaw ito, dahil masuwerte daw siya sa mga lalaking hindi showbiz.

May mga solid KimPau fans naman na naniniwala na si Paulo Avelino ang perfect partner para kay Kim Chiu at hindi si Oliver Moeller.