Sign Up Now! Meet the Newest Addition to the Kapamilya Network.

Nagtagumpay ang Expecially For You searchee mula sa Cebu na si Atty. Oliver Moeller na makapasok sa showbiz insider.

Ayon sa mga kumakalat na mga bali-balita ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites noong miyerkules, ang pagpirma ng kontrata ni Atty. Oliver Moeller sa Cornerstone Management.

Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media si Atty. Oliver Moeller matapos siyang mapili ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa tatlong searchee ng nasabing show.

Bukod pa rito, kaagad na umani ng reaksyon at komento mula sa mga netizens ang mga larawan na ibinahagi mismo ni Oliver Moeller kung saan makikitang kasama niya ang actress-host na si Kim Chiu.

Kaagad na napansin ng mga netizens ang malakas na chemistry ng dalawa at pareho pa silang taga-Cebu kaya marami naman ang naniniwalang perfect match ang mga ito.

Lalo namang kinilig ang maraming netizens nang muling bumisita si Atty. Oliver Moeller sa It’s Showtime matapos ang sampung araw nang maging contestant ito sa Expecially For You.

Sa isang panayam kay Atty. Oliver Moeller, mahahalata na ang intensyon nitong makapasok sa showbiz batay sa kanyang mga kasagutan sa katanungan ng reporter.

Naging hati naman ang mga opinyon ng mga netizens sa napapabalitang pagpirma ng kontrata ni Oliver Moeller sa Cornerstone.

May mga nasisiyahan rito dahil gumagawa na umano ito ng paraan para mapalapit kay Kim Chiu subalit, hindi pa rin maiiwasan ang mga pambabatikos sa totoong intensyon ni Atty. Oliver Moeller sa paglapit kay Kim Chiu.

Ayon sa kanilang mga fans ni Kim Chiu, nararapat lamang talaga na umiwas si Kim Chiu kay Oliver Moeller dahil baka muli na naman siyang kasama ng lalaki para sumikat sa showbiz.