Ogie Diaz revealed his friend’s complaint about the overload of Diwata that wasn’t tasty.

Kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, iisipin sa pinakabagongg vlog ang totoong lasa ng pinag-uusapan Pares Overload ni Diwata.

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie Diaz ang ikinukuwento ng kanyang mga kaibigan ng tanungin niya ang mga ito patungkol sa nakain nilang Overload Pares ni Diwata.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens na talagang dinudumog at pinipili ang paresan ni Diwata matapos ang kabi-kabilang pagpi-feature ng mga vloggers rito.

Dahil dito, tinanong mismo ni Ogie Diaz ang kanilang mga kaibigan na nakakain sa Diwata Pares.

Ayon kay Ogie Diaz, sinabi umano sa kanya ng kanyang mga kaibigan na hindi umano kasunod ng kanilang mga panlasa ang luto ni Diwata.

Nilinaw naman ni Ogie Diaz na baka hindi kasundo ng kanilang panlasa ang pares ay kasundo naman ito sa panlasa ng ibang tao.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Ogie Diaz na kailangan pa ring makarating kay Diwata ang mga komento na katulad nito para lalo pa nitong ipasarapin ang mga inihahaing pagkain sa mga taong dumarayo mula pa sa ibang lugar para lamang matikman ang pinag-uusapan Pares Overload.

Hiling na lamang ngayon ni Ogie Diaz na sana ay magpatuloy ang pag-usbong ng negosyo ni Diwata at magsilbi ring inspirasyon para sa iba pang myembro ng LGBTQ+ community.

Hiniling din ni Ogie Diaz na hindi lang basta hype sa panahon na sinasabayan pa ng mga vloggers ang negosyo ngayon ni Diwata at sana ay matuloy-tuloy pa ito at lalong lumago.