Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng ‘unli haynako’ convo nila ni Ellie

– Muling kinagiliwan online ang mag-amang sina Ellie at Jake Ejercito

– Kapansin-pansin ang tila walang katapusang ‘haynako’ ng dalawa sa kanilang pag-uusap

– Matatandaang madalas na nagvi-viral ang kanilang convo na naibahahagi ni Jake

– Dahil dito, umani ng papuri si Jake sa kung paano ito maging ama kay Ellie

Marami ang naaliw sa nakakatuwang conversation ng mag-amang sina Ellie at Jake Ejercito.

Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng 'unli haynako' convo nila ni Ellie
Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng ‘unli haynako’ convo nila ni Ellie (Jake Ejercito)
Source: Facebook

Muling naibahagi ni Jake ang naging pag-uusap nila ni Ellie at kapansin-pansin ang ‘haynako’ sa halos simula ng kanilang reply.

Sa convo, nabanggit ni Ellie na hindi niya makita ang kanyang phone noong nagdaang araw. Doon, muli niyang nagamit ang ‘haynako’ (Hay, naku!)

Sinagot naman ito ni Jake, at inumpisahan niya rin sa ‘haynako!’

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

BINI Colet, nakatanggap ng bagong blessing mula sa kanyang bayang sinilangan

Tila ito na ang naging kulitan nilang mag-ama na labis na kinagiliwan ng netizens.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging pag-uusap:

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang ‘Linlang’ at ‘Can’t Buy Me Love’.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.

Read also

Ryan Bang, gustong ikasal sa Korea at Pilipinas: “Sa Pilipinas gusto ko main wedding”

Matatandaan na noong Father’s Day ngayong taon, bukod sa mga nakaktaba ng pusong pagbati ay inulan din ng papuri si Jake lalo na at marami ang saksi sa kung paano ito bilang ama sa anak niyang si Ellie. Marami ang nagsamantala sa pagkakataong iyon upang sabihin kay Jake na kahanga-hanga ito pagdating sa anak. Sinasabing swerte si Ellie sa kanyang mga magulang na may kanya-kanyang paraan ng pagbubuhos ng pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!