Jed Madela’s former manager calls out singer over new song

Galit na galit ang dating manager ni Jed Madela na si Annie Mercado dahil sa isang bagong kantang inilabas ng Kapamilya singer.

Nitong Huwebes, July 4, 2024, naglabas ng dalawang bagong kanta si Jed sa music app na Spotify halos kasabay ng kanyang concert ngayong gabi, July 5, 2024.

Gaganapin ang concert ni Jed na may titulong Welcome to my World sa Music Museum, sa Greenhills, San Juan City.

Ang titulo ng kanyang mga kanta ay “Welcome To my World” at “I Wish U The Worst.”

ANNIE MERCADO DIRECTLY CALLS OUT JED MADELA

Sa kanyang Facebook ngayong araw rin, ilang oras bago ang konsiyerto ni Jed, naglabas ng kanyang saloobin si Annie.

Mukhang “triggered” ito sa kanta ni Jed na “I Wish U The Worst” dahil tila patama raw ito ng singer sa kanya.

Nagkuwento rin ang talent manager kung gaano kalapit ang kanyang pamilya kay Jed noon.

Saad ni Annie sa kanyang post: “So im doing my business and moving on with my life of positivity, joy and peace and tried to ignore pesky flies. But a friend sent me a song.

“Once and for all, im putting an end to this.

“Since he went public via a song, i am no longer going to keep quiet about this person. Im naming him dont worry.

“This song is about relationships but we’re not dumb to think its not about us, the very family who took good care of him and loved him from the day he set foot in manila. So yeah im not playing the game of this ungrateful man anymore.”

Kasunod nito ang pagtilad-tilad ni Annie sa ilang liriko ng kanta ng dating alaga.

Tila nasaktan siya sa ilang linya rito.

Aniya, “Wish u the worst” (his new song) – this song tells you so much about the kind of person the singer truly is. Title pa lang he invested on negativity na.

“Its Full of negativity, hate, and bitterness always playing the ‘victim’ when he is the offender.

“He’s always played the game “if the shoe fits”… well sorry, i dont wanna play… i don’t hide behind songs and post with double meanings.”

Banta pa niya: “So here it is: Jed Madela, dont taunt me with a song.

“Panindigan mo yan ha. Let’s go to the press and tell all. If you dont wanna, i will. I think people wanna know the truth.

“Share until this reaches him because he blocked all of us.”

MORE THAN TWO DECADES OF WORKING TOGETHER

Sa comments section, sinabi ni Annie na lagpas dalawang dekada silang nagsama ni Jed bilang manager-talent.

Pero, dumating daw ang puntong hindi na siya nito nirespeto. At para sa kanya, yun na ang katapusan.

Buong mensahe ni Annie, “I’ve managed him for 23 yrs until he is what he is right now. Thats the business side.

“Ive known him since birth and me and my family loved him unconditionally, like a son and brother. And he chose to disrespect. That for me is my closure. End of the line.”

Annie Mercado on Jed Madela

ANNIE ANSWERS COMMENTS

Isa namang kaanak ni Annie ang nagkomento sa kanyang post.

Sabi nito, “To everyone who is reading this post, Sir Jed Madela will never hold accountability for his actions. It will always be someone else’s fault and not his own.”

Sagot ni Annie, “i hate it that i had to cover for him all the time including how he called Asap people “monkeys”….my apologies to asap people. I hope they read this.”

Comments on Annie Mercado post about Jed Madela

May isa pang nagkomento at nagbitaw ng mabigat na paratang, na may kinalaman sa pera, laban kay Jed. Sinagot din ito ni Annie.

Samantala, hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Jed, sa pamamagitan ng isang common friend, kaugnay ng pahayag ni Annie. Wala pa siyang tugon habang isinusulat ang artikulong ito.

Nagpadala rin ang PEP ng mensahe sa Instagram ng singer, pero wala pa rin itong sagot.

Gayundin kay Annie, para sa dagdag na kuwento, pero hindi pa rin ito nagre-reply sa aming mensahe.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa pahayag nina Jed at Annie kaugnay ng isyung ito.