Dating Health Secretary, isinusulong gawing libre ang gamot sa diabetes at hypertension

Isinusulong ni dating health secretary at Iloilo Representative Janette Garin na dapat magbigay ng libreng maintenance na gamot para sa mga may diabetes at hypertension.

Ito ay kasunod ng pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na titiyakin ng Kamara ang sapat na pondo para sa kalusugan sa panukalang P6.352 trilyong budget para sa taong 2025.

Bukod dito, iminungkahi din niya na magkaroon ng libreng gamutan sa cancer.

Iminungkahi din ni Garin na magkaroon ng libreng cancer treatment sa bansa.

Samantala, pinaalalahanan ni Garin na magkaroon ng healthy lifestyle para sa masayang buhay.