Bea Alonzo finds doing Widows’ War fulfilling but “very draining”

Naiiba raw para kay Bea Alonzo ang Widows’ War, ang teleseryeng pinagbibidahan niya at umeere ngayon sa GMA.

“Iba yung genre nito compared sa lahat ng nagawa ko,” umpisang lahad ni Bea, “but I guess the process is still the same for me.”

Kakaiba rin ba para sa kanya ang character niya sa teleserye bilang si Samantha Castillo?

Bea Alonzo headlines GMA-7 series Widow's War

Mahabang sagot ni Bea, “Ahhh, pinag-uusapan nga namin ni Direk kanina yung as actors, we are also storytellers.

“So lahat ng emosyon, nanggagaling from a place of truth, within yourself.

“So lahat tayo hindi naman perfect, may kabutihan tayo, meron din tayong kasamaan, may mga bagay that ticks us off.

“May mga bagay…may kabaliwan din tayong lahat, di ba?

“But somehow bilang artista kinukuha mo yung maliit na bagay na iyon, tapos mina-magnify mo.

“So I guess the process is the same for me as doing drama or horror or other genres.”

Bukod sa mga hugot mula sa kanyang personal experiences, binanggit din ni Bea ang suporta na ibinibigay sa kanya ng production sa pamumuno ng direktor na si Zig Dulay.

Sa pagpapatuloy ng aktres, “I think ang malaking tulong dito are the creative team and our director, sila talaga yung nagkukumpas ng lahat sa amin.

“Of course, my co-actors kasi acting is just really reacting and I am very, very lucky that I have all these actors with me acting opposite me.

“Si Ms. Jean Garcia nakatrabaho ko na before, but this time yung talagang harapan namin… I always, I always get inspired by her.

“So, yes, the genre is different but for me, the process is the same.”

BEA ALONZO ON WIDOWS’ WAR

Natatawang rebelasyon pa ni Bea, nakaka-drain daw ang Widows’ War.

Unang-una, iba-iba ang shooting locations although aminado siyang sulit naman ang efforts ng lahat dahil maganda ang kinalabasan ng serye.

Aniya, “Sa totoo lang, itong project na ito, hindi lang siya emotionally draining sa mga artista, physically draining din siya.

“Unang-una kung mapapansin niyo sa AVP kanina, ang gaganda ng mga locations, di ba?

“Talagang sinasadya namin yung mga locations namin; Bataan, La Union, Batangas.

“Talagang mine-make sure ni Direk na physically, visually enticing din siya.

“So siyempre, mahirap din naming puntahan ang mga lugar na ito just to make sure na maganda siyang lalabas based dun sa script.

“Kung paano nila na-imagine, we can only hope na ganun din siya lalabas sa screen, di ba?

“Yes, it’s very intense siguro hindi lang onscreen, but I have to say it’s also very intense for us.

“It’s very draining, but hindi kami nagrereklamo kasi pag nakikita namin yung produkto nung ginagawa namin, ako very, very happy ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa mediacon ng Widows’ War na ginanap nitong June 21, 2024, Biyernes sa Matrix Events Place sa Quezon City.

carla abellana bea alonzo widows' war

Kapwa bida ni Bea sa naturang teleserye si Carla Abellana na gumaganap bilang si Georgina Balay.

Sa pangunguna ni Jean Garcia bilang si Aurora, nasa cast rin sina Tonton Gutierrez as Galvan; Jeric Gonzales as Francis; Juancho Triviño as Abdul; Jackie Lou Blanco as Ruth; Lito Pimentel as Amando; Timmy Cruz as Mercy; Rita Daniela as Rebecca; Royce Cabrera as Jericho; Lovely Rivero as Vivian; James Graham as Louie; Charlie Flemming as Sofia, at si Matthew Uy as Edward.

May espesyal na mga papel sina Benjamin Alves bilang Basil Palacios at si Rafael Rosell bilang Paco Palacios.

Napapanood ang Widows’ War sa GMA Prime, 8:50 P.M. at sa delayed telecast sa GTV, 10:50 P.M.