6 patay sa pag-araro ng truck sa kabahayan sa Samar

Patay ang anim na katao matapos ang pag-araro ng truck sa pitong kabahayan sa Calbayong City Samar.

Kabilang sa mga nasawi ay dalawang senior citizen at isang bata sa aksidente na naganap sa Barangay Caglanipao Sur, Tinambacan District.

Nakakulong na sa PNP ang driver ng truck kung saan sinabi nito na pumalya ang preno ng kaniyang sasakyan.

Tinatayang nasa P700,000 ang kabuuang damyos ng nasabing insidente.