DJ Mo claims Angelicopter dumped him on their wedding anniversary

Hiwalay na si DJ Mo sa kanyang misis na si Angelika Schmeing, mas kilala bilang Angelicopter.

Ibinunyag ni DJ Mo Twister na sa mismong araw ng kanilang wedding anniversary siya hiniwalayan ng kanyang misis.

June 15, 2021 nang ikasal ang dalawa sa Iceland matapos ang walong taon nila bilang magkasintahan.

Photo of DJ Mo and Angelicopter

Si Mo Twister mismo ang nagbahagi na na-dump siya ng misis na si Angelicopter sa mismong third wedding anniversary nila. Photo: @djmotwister on IG

Ibinahagi ni Mo ang paghihiwalay nila ni Angelicopter sa Episode 56 ng kanyang podcast na Good Times With Mo Twister na ini-upload sa Spotify noong June 28, 2024.

“I got dumped on our third-year wedding anniversary,” pahayag ni Mo, na ang tunay na pangalan ay Mohan Gumatay.

Dugtong niya, “That day… I don’t think she knew it was our wedding anniversary. So, that s*cks for me.”

MO AT ANGELICOPTER NAG-UNFOLLOW SA ISA’T ISA SA INSTAGRAM

Nagkaroon ng espekulasyon na may problema na sa relasyon nina Mo at Angelica nang mapansin ng netizens na hindi na nagbibigay ang dalawa ng updates sa social media tungkol sa kanilang relasyon.

Napansin din ng netizens na nag-unfollow na ang mag-asawa sa isa’t isa sa Instagram.

Noong June 21, isang netizen ang nagtanong kay Angelicopter sa kanyang IG post kung nasaan na si Mo.

Sinagot niya ito ng, “As I reply he is at our home basement biking and watching a movie at the same time.”

Sa isang Instagram post ni Angelicopter ay nagpahiwatig din siya na na-block na siya ni Mo.

Ang kanyang post, published as is: “What’s the saying? When someone blocks you, another one follows you?

“Tama ba? Charaught!

“Okay screaming inside. I promise gagalingan ko na nga #ootd chorva ko. Kahit na work from home ako, rarampa tayo!”

Sa isa pa niyang IG post ay may netizen na nagtanong naman sa kanya kung kumusta na ang relasyon nila ni Mo.

Isang netizen din ang nag-reply dito at nagsabing: “Mo said she ended their marriage on the day of their anniversary. Nakakaloka!!!”

Tumugon din si Angelicopter at paglilinaw niya, “There are different versions of this story.

“I’m amazed at what people come up with.”

celebrity hosts sa podcast ni mo NAGING SANHI NG HIWALAYAN?

Nagsi-circulate naman ngayon sa Reddit ang screenshot ng tila mensahe mula kay Angelicopter.

May mga nabanggit na celebrity sa naturang screenshot.

Read: DJ Angelicopter loses brother to COVID-19

Base sa nakasaad sa screenshot ng messages na sinasabing galing kay Angelicopter, may dalawang artistang babae na nag-host sa podcast ni Mo ang naugnay umano kay Mo.

Pero hindi na raw ito nakabalik uli ang dalawa sa nabanggit na artista sa podcast ni Mo.

Nabanggit din ni Angelicopter na nagkakaroon sila ni Mo ng hindi pagkakasunduan.

Makahulugan pang sambit ni Angelicopter, “We’ve had disagreements before, but he never done this where he would have his ex f*b*s on the show.

“I think coz Mo knows it’s done and he’s not willing to go to counselling.

“I’ve asked him since January.”

May isa pang screenshot kunsaan sinabi ni Angelicopter sa kung sino mang kapalitan nito ng mensahe na may kasunduan sila noon ni Mo na hindi na ito makikipag-communicate sa isang dating nakaugnayan.

Pero puwede na raw nito gawin ngayong wala na sila.

“Bilis mag move on for someone who’s super sad and depressed Di ba,” saad ni Angelicopter base sa screenshot.

Dagdag pa sa screenshots, usap-usapan ng netizens ang Instagram Live ni Angelicopter kunsaan kinumpirma nito na noon pang Enero ay nagkakaproblema sila ni Mo.

Wala na raw pag-asang magbalikan sila, at mauuwi sa divorce ang kanilang hiwalayn

Isa raw sa last straw para kay Angelicopter ay nang mag-imbita si Mo ng “new guests” sa podcast nito.

MO CONFIRMS THAT HE AND ANGELICOPTER ARE GETTING A DIVORCE

Sa episode 60 naman ng GTWM na umere noong July 4 kasama sina Alex Calleja at Sam Oh, sinagot ni Mo ang ilan sa mga isyung isinapubliko ni Angelicopter sa Instagram Live.

Nakarating din kay Mo ang screenshots ng pakikipagpalitan ng direct messages ni Angelicopter na kumalat sa reddit, isang online community forum.

Una ay kinumpirma ni Mo totoo sinabi ni Angelicopter tungkol sa divorce issue.

“Yes, absolutely, that actual conversation happened on our anniversary, I know she said otherwise.

“She said no chance of reconciliation on her side, absolutely.”

Sabay patutsada ni Mo, “self-centered” daw ang “blank statement” ni Angelicopter na nagdesisyon itong wala ng pag-asang magbalikan sila ni Mo.

Hindi lang daw isa lang ang puwedeng magdesisyon niyon kundi pareho dapat sila.

“…which is very similar to many decisions made at home.

“There’s a strong personality, and a non-strong personality.

“And the strong personality tends to win, and I’m okay with that.”

Pag-amin din ni Mo, hindi siya ang madalas nagdedesisyon sa kanilang bahay.

mo addresses angelicopter’S ISSUE WITH HIS FEMALE CO-HOSTS

Desisyon din daw ng kanyang misis na ipagbawal ang sinumang babaeng co-host sa GTWM, liban na lang kina Sam Oh at Suzy.

Lumalabas na may mga pinagselosan umano si Angelicopter sa female co-hosts ni Mo noon.

Binanggit na halimbawa ni Mo si Mara Aquino na kakabalik bilang co-host niya sa podcast makalipas ang pitong taon na nawala ito sa show.

Ayon kay Mo, pinagbawalan daw siya ni Angelicopter na kunin si Mara sa show.

May insidente raw na nakatanggap siya ng phone call mula kay Mara bandang hatinggabi sa U.S. kunsaan nakabase ang mag-asawa.

Minasama raw ni Angelicopter ang pagtawag ni Mara sa kanya.

Katuwiran ni Mo, alanganin daw talaga ang oras ng pagtawag ni Mara dahil sa magkaibang time zone ng U.S. at Pilipinas kunsaan nakabase si Mara.

Tumawag daw si Mara para humingi ng “legit career advice.”

Hindi rin daw niya kailanman nakita at nakilala ng personal si Mara.

Iyong phone call lang daw na iyon ang pagkakataong nakausap niya ito “outside” ng podcast show.

Kaya ani Mo, hindi niya maintindihan kung bakit naging isyu ito.

Pero bilang respeto sa kagustuhan ni Angelicopter, pumayag daw si Mo na i-ban sa show si Mara at iba pang female co-hosts niya noon.

“Mara not being on the show is not a problem for me. They ask and you do. That’s what relationships are about.”

MO ON PERSONAL DIFFERENCES WITH ANGELICOPTER

Nagpahiwatig din si Mo na may problema umano si Angelicopter sa pag-inom ng alak.

Nakita niya aniya ang pag-inom at pagmumura ni Angelicopter sa IG Live habang kasama ang kanilang anak na babae, at sobra raw siyang na-upset.

Ang pag-inom daw ni Angelicopter ang isa sa mga kaibihan nila sa lifestyle, at inamin niyang may mga pagkakataong hindi niya gusto ang pag-inom nito.

“Now when she said, we’re having a hard time since January, I don’t know if it goes as far back as January, but it’s been a couple of months.

“And there have been moments when I’ve said, ‘Man, I’m out. I can’t do this anymore.’

“It is way too much of what I don’t do.

“I don’t live the lifestyle that she lives, I don’t drink. That’s not fun for me.

“And if I see it all the time, that’s not a life I want.”

Sa puntong ito, nahingan ni Mo ng opinyon ang co-host na si Alex Calleja na bumibisita raw minsan sa mag-asawa sa U.S.

Ayon kay Alex, nakita na niyang uminom si Angelicopter, pero hindi raw pa niya nakitang lasing ito.

Ang masasabi lang daw ni Alex ay ibang-iba raw ang personalidad ni Mo sa radio show at kapag nasa bahay ito.

Kapag bumibisita raw siya sa U.S., hindi raw niya nakikita off the show ang kilala niyang Mo na opinionated at strong personality. Tahimik lang daw ito.

MO CONFIRMS COUNSELLING IS “NON-NEGOTIABLE” FOR HIM

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Mo ang sinabi ni Angelicopter na tumanggi siyang sumailalim sa marriage counselling.

Sinabi rin ni Mo na desisyon niya na huwag silang magpa-marriage counselling ni Angelicopter dahil noong first time na ginawa nilang mag-asawa iyon ay nauwi aniya sa “circus.”

Minsan na raw kasi nilang nasubukan ito, at nauwi raw ito sa “circus.”

Hindi raw nakatulong sa kanya ang pag-ungkat sa mga isyu nilang mag-asawa.

Tinawag niya “incredibly toxic” at “abosulutely damaging” ang proseso kunsaan nauuwi raw sa “heated arguments” sa pagitan nilang mag-asawa.

Hindi rin daw niya gusto na marami sa mga pagharap nila sa therapist ay recorded nang hindi niya nalalaman, at ang transcripts nito ay nasusumite sa kung sino man.

Sinabi ni Mo na hindi niya gusto na nadadamay ang kanyang mga pamilya at kaibigan sa hiwalayan nila ni Angelicopter.

Pati raw si Alex Calleja ay tinawagan pa ni Angelicopter.

Sabi naman ni Alex, matapos ang huling usapan nila ni Angelicopter ay hindi na raw ulit siya nakipag-usap dito bilang iyon daw ang payo ni Mo, at bilang respeto sa privacy ng mag-asawa.

THIRD PARTY ISSUE?

Nang tanungin namin ni Sam Oh kung may third party sa hiwalayan nila ni Angelicopter, mabilis na sagot ni Mo, “I don’t wanna talk about that.”

Makahulugan ang sumunod na mga salita ni Mo.

Dire-diretsong sabi niya: “I do know that the narrative will be this—that I am jealous, that I am jealous of everybody and all of that.

“Come on. I’ve had a lot of girlfriends. And many of you guys know who they are. I have to see these people kiss other guys for jobs. I’ve had to see them interact with a bunch of…

“Jealousy comes with purpose. Jealousy comes with history. Jealous usually comes with a track record for me. There has to be a reason to.

“I think it’s normal to be jealous. I’m okay if my girlfriend is jealous. I actually find value in that.

“But there are limits to all of it and I know the limits on the other side. If I am jealous, there’s a reason for that, a very tangible reason for it.

“You’ll likely hear things like that.”

MONEY ISSUES

Tinalakay din ni Mo ang nabanggit daw ni Angelicopter na ang huli ang nagbayad sa pagpapagawa ng kanilang kitchen.

Ayon kay Mo, kumuha sila ng loan para sa pagpapagawa ng kitchen.

Pero hindi raw niya maintindihan kung bakit isyu iyon dahil ibebenta nila ang kanilang bahay para mabayaran ang kanilang loan.

Totoo naman daw na mas malaki ang kita ni Angelicopter kaysa kanya.

“She outearns me. That’s the honest truth. Chopper considerably makes more money than I do.

“I work for the government that doesn’t pay very well, relative to the lifestyle that we live.”

Wala rin naman daw kita sa podcast show niya.

Pero paglilinaw din ni Mo, “To say she’s paying for shit that I am not contributing to is absolutely false.

“I contributed maybe 15,000 dollars of my own cash for the kitchen, and then we took a loan to pay it off, and we’re gonna pay it off with the sale of the house.”

Napagdesisyunan daw nila na ibenta ang kanilang bahay nang maghiwalay sila noong June 15, ang araw ng kanilang third anniversary.

Kuwento pa ni Mo, ang hindi niya nagustuhan sa hiwalayan nila ni Angelicopter ay sinabi raw niya ito sa mga anak nila nang wala siya.

May 11 taong gulang na anak si Mo kay Angelicopter. Ang anak na lalaki ni Angelicopter ay 15 years old.

Ang isa pang anak ni Mo kay Bunny Paras ay may asawa na, at hindi lumaki sa poder niya.

MO REFUSES TO REVEAL “ROOT CAUSE” OF THE SEPARATION

Nang tanungin ni Sam si Mo kung bakit umabot sa puntong nagkakasiraan nang husto si Mo at ang misis na si Angelicopter.

Aminado naman si Mo na iresponsable raw sila ni Angelicopter pagdating sa pag-handle ng kanilang emosyon at pagsasapubliko nito.

Sa huli, sinabi ni Mo na ayaw niyang isiwalat ang “root cause” ng hiwalayan nila ni Angelicopter dahil ayaw niyang manira ng tao.

Ang mga nasabi raw niya na isyu nila ni Angelicopter ay wala pa raw sa kalingkingan ng kung anuman ang pinakamatinding dahilan ng kanilang separation.

Aniya, “There’s an oh my god that I cannot say. I just don’t want to.”

Nang usisain pa rin ni Sam, maingat na sinabi na lang ni Mo, “I think both of us have screwed up in varying degrees early on when…

“Trust me, we didn’t start right. We were on a different relationship, we didn’t start right.

“It’s ugly and I don’t wanna talk about it.”

Sa ngayon, nakatira pa rin daw sila sa iisang bubong, pero madalas ay nasa sarili lang daw niyang puwesto sa bahay si Mo kung wala siyang pasok sa kanyang day job.

Work from home naman daw si Angelicopter, pero noong mga oras na nire-record ang podcast niya noong July 4 ay nasa labas daw ito kasama ng mga anak nila.

Bukas ang PEP sa anuman ang mga pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.