Matthew Uy admits getting intimidated by Bea Alonzo

Naging emosyonal ang Sparkle artist na si Matthew Uy nang mapanood niya ang mga eksena niya sa trailer ng Widows’ War sa naganap na grand mediacon noong June 21, 2024, sa Matrix Creation Events in Quezon City.

matthew uy widows war
Matthew Uy

Photo/s: Glenn Regondola

Hindi pa rin daw makapaniwala si Matthew na naging bahagi siya ng malaking teleserye.

Sobra rin siyang na-starstruck sa mga nakaeksena niya, tulad ng mga bida ng serye na sina Bea Alonzo at Carla Abellana, at ang veteran actress na si Jean Garcia.

widows war cast

Widows’ War cast

Kuwento niya: “Starstrucked pa rin po ako sa mga kasama ko. Bata pa lang ako, napapanood ko lang sila dati tulad nila Miss Jean, Miss Bea at Miss Carla.

“Tapos, ngayon makakatrabaho ko na sa first teleserye ko. Kaya ayun, parang nandun pa rin yung part na hindi ako makapaniwala.

“Naging emotional po ako kasi nandiyan po yung mom ko. Kasama ko po siya ngayon.

“Kaya parang nung tumingin po ako sa kanya, parang nakita ko po sa mata niya na masaya siya para sa akin.”

READ:

Bea Alonzo trends on X following Widows’ War premiere

Newbie Matthew Uy gets starstruck with co-stars Bea, Carla

MATTHEW GETS INTIMIDATED WITH BEA

Dahil sa sobrang pagka-starstruck niya ay nakailang takes siya sa eksena nila ni Bea.

Pag-amin ng 20-year-old actor, “Nahirapan po ako sa confrontation scene with Miss Bea.

“Sobrang na-intimidate po ako, parang nagsara po ako… parang ayun, hindi po ako naka-acting nang maayos. Na-take 3 po ako.

“Si Miss Bea, nahalata niya na kinakabahan ako. Pero mabait po si Miss Bea at sinabi niya po sa akin na ‘Okey lang yan… kaya mo yan!’ Ang bait po niya.”

Matthew Uy plays Edward in Widows' War
Matthew Uy plays Edward in Widows’ War.

Photo/s: @matthewuy on Instagram

matthew uy as a SPARKLE ARTIST

Masuwerte si Matthew dahil hindi na siya dumaan sa audition para sa role na Edward, ang kapatid ni George na ginagampanan naman ni Carla Abellana.

Nag-acting workshop nga raw siya sa mismong set na ng Widows’ War.

“Dahil naghahabol na po kami ng time dahil tag-ulan po ngayon, medyo nahihirapan po kami sa mga setup namin, kaya wala po akong time para mag-workshop.

“Tine-train ko na lang yung sarili ko sa tent. Ang pinaka acting coach namin is yung assistant director.”

Naka-one year na si Matthew bilang Sparkle artist, pero ngayong taon lang siya nabigyan ng sunud-sunod na projects, tulad ng teen series na Sparkle U at ang drama anthology na Tadhana.

Lumabas na rin si Matthew sa ilang TV commercials at nag-model for different clothing brands and designers.

Pero napansin ng netizens si Matthew noong mapasama siya sa Boys of Summer, ang summer campaign ng Sparkle, kunsaan ipinakita siyang kasama ang ilang Sparkle hunks na naglalaro ng basketball.

Nahiya raw si Matthew dahil wala siyang masyadong abs tulad nina Vince Maristela, Jeff Moses, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, at Yasser Marta.

Natatawang kuwento niya: “Buti na lang po naka-sando ako kasi nung pagpunta ko po doon sa shoot, nakita ko po ang gaganda ng katawan nila. Talagang ripped.

“Kaya parang sabi ko, napapag-iwanan naman ako. Pero nag-prepare talaga ako para kahit papaano may laban naman ako sa kanila.”

MATTHEW PLANS TO FINISH CULINARY STUDIES

Bukod sa showbiz, may iba pang gustong abutin na pangarap si Matthew.

Paglalahad niya, “Gusto ko po i-pursue yung pangarap ko na maging isang chef.

“Dati po ako sa Our Lady of Peace School. Nag-stop po ako ng second year.

“Pero I made a promise na babalik po ako school.”

READ:

Widows’ War, kumusta ang rating ng pilot episode?

James Graham, Charlie Fleming shine in Widows’ War

Bea Alonzo finds doing Widows’ War fulfilling but “very draining”