P500K, halaga ng danyos sa nasunog na gasolinahan sa Tuguegarao City

Tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng pinsala sa nasunog na gasolinahan sa bahagi ng Brgy Caritan Centro, Tuguegarao City.

Sinabi ni FO3 Jayvee Turingan ng BFP- Tuguegarao na posibleng ang pinagmulan ng sunog ay sa pumalyang fuel pump bagamat patuloy pang iniimbestigahan at inaantay ang CCTV footage ng naturang gasolinahan upang matukoy kung may foul play na nangyari.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng BFP ay 12-minuto lamang ang inabot bago naapula ang sunog kung saan isang set lang ng fuel dispenser ang natupok.

Wala naman naiulat na nadamay na establisyimento o nasaktan sa insidente.