Magsasaka, patay matapos malunod sa kanal

Dead on arrival ang isang magsasaka matapos malunod sa isang kanal sa Brgy.Baggao Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ni PCAPT Jessy Alonzo, chief of police ng PNP Camalaniugan ang biktima na si Melchor Dela Cruz, 53 anyos at residente ng Brgy.Sapping.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkayayaan umano ng inuman ang biktima at kanyang mga kasamang magsasaka na galing sa kanilang sakahan at nang matapos ang inuman ay nagkanya kanya na ang mga ito na umuwi.

Aniya, bago pa man umuwi ang biktima ay sinubukan nitong maglabas ng kanyang dumi sa isang bahagi ng NIA irrigation canal at aksidenteng nadulas dahilan upang malunod ito.

Nakita umano ang biktima ng mga bata gumala sa nsabing lugar kung saan sinubukan pang iligtas ng mga binata ang biktima at dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor.

May lalim na limang talampakan ang nasabing canal at malakas ang agos dahil nagpapapasok ang NIA ng tubig sa mga sakahan habang nasa 3 kilometro naman ang layo nito mula sa bahay ng biktima.