Kim Chiu backed out of singing Especially for You for her ex because of this!

Nabigong Nakapaglaro si Kim Chiu sa Unang Episode ng It’s Showtime sa GMA7

Medyo nadismaya ang mga netizens at ilang mga Madlang Pipol noong nakaraang April 6, 2024 sa pilot episode ng It’s Showtime sa main channel ng Kapuso network dahil hindi si Kim Chiu ang sumalang sa kanilang segment na Expecially For You.

Marami sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang umaasang sasalang sa unang episode ng Expecially For You sa GMA7 ang dalawa dahil tiyak na magiging mas masaya ang nasabing segment kung sakaling si Kim Chiu ang sumalang bilang contestant.

Pero, nabigo ang mga fans dahil si Michelle Dee ang sumalang bilang searcher at wala rin si Paulo Avelino sa tatlong searchee na pagpipilian.

Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, talagang si Kim Chiu ang nakatakdang sumalang bilang ‘searcher’ sa episode na iyon ng Expecially For You.

Pero, bigla na lang itong mga umatras na ikinataranta ng mga staff ng It’s Showtime sa biglaang pag-ayaw ni Kim Chiu dahil kinailangan nilang maghanap ng ipapalit kay Kim Chiu.

Gayunpaman, hindi naman umano nagalit kay Kim Chiu ang mga staff ng show dahil naiintindihan nila ang pagdadalawang isip ni Kim Chiu.

Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon talagang hindi kasama sa mga searchee si Paulo Avelino.

Hindi naman nila isiniwalat ang totoong rason kung bakit hindi sumalang si Kim Chiu sa Expecially For You, ngunit naniniwala ang maraming mga netizens na may kinalaman sa tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya umatras si Kim Chiu.

Nasa kasagsagan kasi ngayon ng kasikatan ng KimPau loveteam kaya naman naiintindihan ng mga staffs at madlang pipol ang pagtanggi at pag-atras ni Kim Chiu bilang ‘searcher’ ng Expecially For You.