Isko Moreno joins Sparkle World Tour 2024, puts politics on hold

Nawalan man ng noontime show si former Manila City Mayor Isko Moreno, sunud-sunod naman ang naging trabaho niya mula nang pumirma siya sa Sparkle GMA Artists Center.

Bukod sa paglabas sa GMA Prime actionserye na Black Rider, makakasama si Yorme sa dalawang shows sa California, USA, para sa Sparkle World Tour 2024.

Makakasama niya sa shows sa Anaheim at San Francisco sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay, at Ai-Ai delas Alas.

Julie Anne San Jose, marrying age na ba sa kanya ang 30?

Ai-Ai delas Alas, naglabas ng hinaing tungkol sa Star Cinema

Sa naganap na grand media conference ng Sparkle World Tour sa Matrix Creation Events sa Quezon City noong June 27, obvious na excited si Yorme.

Aniya, “Siyempre ang challenge lang to catch up with yung antenna.

“Medyo the disparity, yung the gap, the age gap between the mindset, and yesterday and today.”

Isa pang ikinasasaya ng 49-year-old actor-turned-politician ay makakasama niya muli sa trabaho ang comedian na si Betong Sumaya, na co-host niya sa defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya.

“I’m very happy kasi nakakasabay naman ako nang konti doon sa mga hirit nila, especially with Betong.

“I worked with him for almost a year and every single day sa Tahanang Pinakamasaya,” sabi ni Yorme na madalas mag-show sa Japan noong ‘90s.

Right timing daw ang pagpunta nila abroad ngayong taon dahil maraming kababayan ang nalungkot dahil sa nakaraang pandemic.

Panahon na para maghatid sila ng saya at pag-asa sa Global Pinoys.

Sabi ni Yorme, “May mga kababayan tayo sa ibang bansa na dahil sa kasabikan nilang makakamay man lang sa isang kapwa Filipino, pupuntahan ka pa nila sa hotel mo at dadalhan ka pa ng kung anu-anong regalo.

“Mata-touch ka talaga sa warmth nila.”

Sasamantalahin na rin daw ni Yorme ang pagkakataong makapagbakasyon nang saglit kasama ang kanyang misis at samahan ang isang anak niyang mag-aaral sa Amerika.

ISKO MORENO’S POLITICAL PLANS

Sa naturang mediacon, hindi nagawang makaiwas ni Isko sa mga tanong tungkol sa political plans niya sa susunod na eleksiyon.

Ayon kay Isko: “I don’t think it’s on the top of my mind right now. I truly love serving the people. Half of my life, 24 years of working, was dedicated to public service.

“In fact, still, today, I continue to share some ideas to some officials of the country and some localities.

“Ngayon, ipinagsasalamat ko sa Diyos kung saan man ako ngayon at ipinagpapasalamat ko sa taong-bayan for giving me opportunity of service.

“At hindi iyon mawawala sa puso ko. Hindi ko lang siya masyadong iniintindi ngayon dahil I continue to fulfill my obligation as an artist of GMA-7 under Sparkle.”

ISKO MORENO FOCUSES ON FAMILY

For now, mas gusto raw ni Isko na ibuhos ang lahat ng kanyang panahon bilang ama sa kanyang mga anak.

isko moreno wife diana lynn and their kids
Isko Moreno, wife Diana Lynn Ditan (in green). and their kids (L-R) Frances Diane, Andre, Drake, Vincent Patrick, and Joaquin Domagoso with son Scott

Photo/s: Isko Moreno Domagoso on Facebook

Sabi pa ng politiko, “For the meantime, nag-e-enjoy muna ako magbayad sa pamilya ko ng oras.

“You know, 24 years of my life doing public service, it cannot be denied that a big portion of it is ipinagkait ko sa mga anak ko.

“Kaya ngayon siguro, for the meantime, maunawaan naman ako ng mga tao na pamilya muna ako. Habol-habol muna nang kaunti.”

Sparkle World Tour 2024 will start its first leg on August 9 and 10 in the U.S.

Next stop is Canada on August 11 and 17. Last stop is Japan on September 1.

Others Sparkle artists participating in different tours are Ruru Madrid, Bianca Umali, Jillian Ward, Ken Chan, Betong Sumaya, and Ms. Divine Daldal.