![](https://trend.slink.ph/wp-content/uploads/sites/11/2024/07/gilas-girls-267x150.jpg)
Gilas Pilipinas Girls nagkampeon sa Division B ng FIBA U-18 Asia Cup
![](https://img.bomboradyo.com/tuguegarao/2024/07/gilas-girls.jpg)
Nakamit ng Gilas Pilipinas Girls ang promotion sa Division A matapos na tambakan nila ang Lebanon 95-64 sa Shenzen, China.
Dominado ng Pilipinas ang laro kung saan sa second quarter pa lamang ay hawak nila ang 33-9 na kalamangan.
Nakuha ng nationals ang korona sa Division B matapos ma-sweep nila ang apat na laro sa FIBA Under-18 Asia Cup 2024.
Dahil sa resulta ay maglalaro ang Pilipinas sa Division A pagdating ng 2026 edition.
Nanguna sa panalo si Alyssa Kae Rodriguez na nagtala ng 22 poins habang mayroong 15 points si Alicia Margarett Villanueva.