Geneva Lopez, Yitshak Cohen reward money now at PHP1.4M

Umabot na sa PHP1.4 million ang pabuya para sa makapagbibigay ng lehitimong impormasyon sa kinaroroonan ng aspiring beauty queen mula sa Pampanga na si Geneva Lopez at ng Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon kahapon, July 4, 2024, ang karagdagang isang milyong piso ay mula kina Pampanga Governor Dennis Pineda at Vice-Governor Lilia Pineda.

Ito ay para sa impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng kanilang kabalen na sina Geneva at Yitshak.

STO. TOMAS, PAMPANGA MAYOR GIVING PHP150K

Bukod pa rito, may inaalok ding PHP150,000 na pabuya si Sto.Tomas, Pampanga Mayor Johnny Sambo.

Kaya umabot na sa P1.150 million ang pabuyang pera mula sa opisyales ng Pampanga.

Pahayag ni Mayor Sambo, “Ako namamag-asa na mawala ang pag-aalala ng kanyang mga magulang.

“Kasalukuyan pa ding nangangalap ng karagdagang ebidensiya ang kapulisan at nagdodokumento ng mga CCTV footages na maaaring makapagbigay linaw kung saang lugar maaaring pumunta ang mga nawawalang biktima.”

Nauna na ring nag-alok ang pamilya ni Cohen ng PHP250,000

Sinundan ito ng PHP100,000 reward money mula kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Geneva at Yitshak.

Sa kabuuan, PHP1.4 million na ang reward money para sa sinumang may konkretong impormasyon sa kinaroroonan nina Geneva at Yitshak.

Contact details for reward money for missing Geneva Lopez and Yitshak Cohen

LATEST DEVELOPMENTS

Misteryosong naglaho sina Geneva at Yitshak noong June 21, 2024, kung saan napag-alamang nagpunta sila ng Capas, Tarlac, para tingnan umano ang isinanlang lupa sa pageant candidate.

Madaling-araw ng June 22, 2024, natagpuan naman ng pulisya ang sunog na sasakyan ng dalawa.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Police Colonel Jean Fajardo, hindi pa maikukunsidera ngayong persons of interest ang dating pulis na middleman ng magkasintahan sa bibilhing lupa sa Tarlac.

Ganoon din si Yitshak na kasamang nawawala.

Aniya, “On the part of the middleman, siya naman po ay kusang pumunta doon po sa police station [at] nagbigay po siya ng pahayag.

“Investigation would somehow consider this as additional information [pero] kailangan nating i-validate [at] i-confirm ang sinasabi niya pong pahayag at i-compare sa mga na-recover… kinu-collate pa po nating mga ebidensiya.”

Dagdag pa sa ulat, nauna nang sinabi ni Police Major General Leo Francisco, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na ang kasamang middleman at pito pang katao ay itinuturing na persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan.