Brandon Espiritu second runner-up in Mister Supranational 2024

Si Brandon Espiritu ng Pilipinas ang hinirang na second runner-up sa Mister Supranational 2024 na ginanap sa Nowy Sacz, Poland, nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 4, 2024 (Biyernes ng madaling-araw, Hulyo 5, 2024 sa Pilipinas).

Ang doktor at aktor na si Fezile Mkhize ng South Africa ang nanalong Mister Supranational 2024.

fezile mkhize mister supranational 2024
Mister Supranational 2024 Fezile Mkhize

Photo/s: YouTube

First runner-up sa 8th edition ng Mister Supranational si Casey de Vries ng Netherlands.

Third runner-up si Marcos De Freitas ng Venezuela.

Fourth runner-up naman si Sanonh Maniphonh ng Laos.

BRANDON ESPIRITU: MISTER SOCIAL MEDIA INFLUENCER

Ang second runner-up finish ni Brandon Espiritu ang kauna-unahang pagkakataong nagkaroon ng puwesto ang Pilipinas sa Mister Supranational, na naging mailap sa ating bansa mula nang mag-umpisa ito noong 2016.

brandon espiritu mister supranational 2024
Mister Supranational 2024 seconrd runner-up Brandon Espiritu

Photo/s: YouTube

Hindi nabalewala ang panawagan ni Brandon na ipakita ng ating mga kababayan na umiiral pa rin ang bayanihan, sa pamamagitan ng pagboto sa kanya, dahil siya ang nagwagi sa Mister Social Media Influencer Challenge ng Mister Supranational 2024.

“We didn’t take home the crown but it doesn’t matter. I won in my heart already.

“We broke history,” bahagi ng mensahe ng pasasalamat ni Brandon sa mga Pilipino nang matapos ang gabi ng koronasyon ng Mister Supranational 2024.

FEZILE MKHIZE: MISTER SUPRANATIONAL 2024

Gumawa naman ng kasaysayan si Fezile Mkhize dahil siya ang unang South African at black winner na nagwagi ng Mister Supranational.

Ang Mister Supranational ang pangalawang international male pageant na sinalihan ni Fezile.

Siya ang first runner-up sa Mister World 2019 na ginanap sa Pilipinas noong Agosto 23, 2019.

Dalawampu’t walong taon ang edad ni Fezile nang pumunta ito sa Pilipinas noong 2019 para sa 10th edition ng Mister World.

fezile mkhize mister world 2019 first runner-up
Fezile Mkhize was first runner-up in Mister World 2019 which was held at Araneta Coliseum in the Philippines.

Photo/s: @drfezmkhize on Instagram