Zeinab Harake, naiyak habang nakikinuod ng video nina Cong at Viy

Zeinab Harake, naiyak habang nakikinuod ng video nina Cong at Viy.

Sa Instagram story ng kapatid ni Zeinab Harake na si Rana Harake, pinakita niya ang reaksyon ng kapatid

Hindi nito napigilang maiyak habang nanonood ng video nina Cong TV at Viy Cortez na kamakailan lang ay nag-viral

Habang nagpupunas ng luha ay natatawa din ito habang nagsasabi ng “sana all”

Matatandaang nag-viral ang video ni Cong kung saan mas pinili niyang huwag tumuloy sa biyahe niya papuntang Vietnam para makasama ang kanyang girlfriend na si Viy na kasalukuyang nagdadalang-tao

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake nang mapanood niya ang video ng vlogger na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang si Cong. Sa Instagram story ng kapatid ni Zeinab na si Rana Harake, pinakita niya ang reaksiyon ng kapatid.

Kasabay ng pagpunas nito ng kanyang luha ay natatawa na lang din siya habang nagsasabing “sana all.”

Nag-viral ang video ni Cong kung saan mas pinili niyang huwag tumuloy sa biyahe niya papuntang Vietnam para makasama ang kanyang girlfriend na si Viy na kasalukuyang nagdadalang-tao.

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Sa isa sa kanyang huling vlog, hindi din napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng ‘Ex-Battalion.’

Source: KAMI.com.gh