Zeinab Harake engaged to Bobby Ray Parks Jr.

Engaged na ang vlogger na si Zeinab Harake sa PBA player na si Bobby Ray Parks, Jr. .

Ito ang katuparan ng pangarap ni Zeinab na magkaroon ng buong pamilya.

Ngayong Linggo ng gabi, July 7, 2024, ibinahagi ni Zeinab ang romantic proposal ni Bobby.

READ:

Zeinab Harake sees herself settling down with boyfriend Bobby Ray Parks Jr.

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr. watch each other sleep on social media

Makikita sa Instagram post ni Zeinab na naganap ito sa isang events place na mala-fairy tale ang set-up dahil napuno ito ng bulaklak at fairy lights.

May life-size letters din na nakasaad ang “WILL YOU MARRY ME?”

Parehong naiyak sina Zeinab at Bobby nang pormal na hingin ng huli ang kamay ng sikat na vlogger.

“Y E S,” ang simpleng caption sa post ni Zeinab.

Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. are engaged

BOBBY RAY PARKS JR. SWEET PROPOSAL

Sa vlog ni Zeinab ay naka-post din ang behind-the-scenes ng preparasyon ni Bobby para sa proposal.

Humingi ng basbas si Bobby hindi lang sa mga magulang ni Zeinab, kundi pati sa mga kapatid nito.

Payag naman agad ang mga ito.

Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. are engaged

Photo/s: @zeinab_harake / @ray1parks Instagram

Sa loob ng halos dalawang taong pagiging magkasintahan nina Zeinab at Bobby, nakita raw ng mga kapamilya ni Zeinab kung gaano kamahal ni Bobby ito.

Siniguro naman ni Bobby na hindi lang si Zeinab ang mamahalin niya kundi pati mga anak nito.

Anak ni Zeinab si Bia sa ex-partner na si Skusta Clee. May adopted son din si Zeinab na si Lucas.

Zeinab, Bobby IN A RELATIONSHIP SINCE 2022

September 2022 nang unang kinumpirma ni Zeinab na may bago siyang karelasyon, pero hindi pa niya pinangalanan si Bobby noon.

Bandang February 2023 nang unang mapansin ng netizens ang ugnayan sa pagitan nina Zeinab at Bobby.

May 2023 nang maging Instagram official sila, at June 2023 nang isapubliko nila na sila ay magkasintahan.

READ:

Zeinab Harake, former PBA player Bobby Ray Parks Jr. flex each other on Instagram

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr. take kids to Bohol on first plane ride