Zeinab at Ray, ipinakita ang bonggang gifts para sa kanilang groomsmen at bridesmaids

– Ibinida nina Zeinab Harake at Ray Parks Jr. ang mga regalong inihanda nila para sa kanilang groomsmen at bridesmaids

– Minimalist ang dating ng mga inihanda ni Ray sa kanyang groomsmen subalit tiyak na magugustuhan daw ito ng mga ito

– Mismong si Zeinab ang namili ang mga ibibigay na regalo na kanyang ‘team bride’ at ibinisto pa ni Ray na mas mahal ang mga ito

– Sinasabing isang private wedding ang seremonya ng pag-iisang dibdib nina Zeinab at kanyang Daddy Ray

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Masayang ibinahagi nina Ray Parks Jr. at Zeinab Harake ang pag-pack nila ng regalo sa kanilang groomsmen at bridesmaids.

Zeinab at Ray, ipinakita ang kanilang bonggang gifts para sa kanilang groomsmen at bridesmaids
Zeinab at Ray (@zeinab_harake/ @niceprintphoto)
Source: Instagram

Sa vlog ni Zeinab na kanyang inilabas ngayong Hunyo 6, makikita ang mga bonggang handog ng ngayo’t “Mr and Mrs. Parks” sa mga abay nila sa kanilang kasal.

Unang ipinakita nina Ray at Zeinab at mga regalo nila sa ‘Team Groom’ kung saan ilalagay nila ito sa malaki ngunit eleganteng duffel bag.

Ilan sa mga regalong ibibigay niya sa kanyang groom ang valet tray, travel watch holder, water tumbler at card holder.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Subalit ang pinaka agaw eksena sa lahat ay ang whiskey flask na sinamahan din ni Ray ng maliit ngunit mamahaling klase ng whiskey.

Samantala sa ‘Team bride’, kapansin-pansing si Zeinab talaga ang namili sa kung ano ang ibibigay niyang regalo sa mga ito.

Ilan sa kanyang ibinigay ay ang robe, sleepwear at slippers na umano’y magagamit nila sa kanilang pictorial, Perfume at lipstick mula sa paboritong brand ni Zeinab na Chanel, at clutch bag na terno sa earrings na maaring magamit naman ng kanyang maid of honor at bridesmaids sa mismong kasal.

Sina Ray at Zeinab mismo ang nag-pack ng kanilang mga regalo para sa mga groomsmen at bridesmaids.

Agaw eksena rin ang date ng kanilang kasal na nakita sa ilang mga regalong ito para sa kanilang mga abay.

Narito ang kabuuan ng nasabing vlog:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 14.7 million subscribers sa kanyang channel. Matatandaang ex niya ang rapper na si Skusta Clee na siyang ama ng anak nilang si Bia. Bago pa man si Bia, hayagan nang nababanggit ni Zeinab ang pagdating sa buhay niya ng una niyang anak na si Lucas.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano’y pagtawag ni Ray kay Zeinab na “asawa ko.” Maging ang kulitan nila sa pagsasabing “i-announce na natin.” Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang ‘ready ka na ba sa prenup?’ at maging ang tungkol umano sa ‘wedding song’ sa unang taon pa lang ng kanilang relasyon.

At nito lamang Hunyo 1, opisyal nang Mr. and Mrs. Parks ang basketbolistang si Ray Parks Jr. at sikat na content creator na si Zeinab Harake na nag-isang dibdib sa isang Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay. Ayon sa ulat ng PEP.ph, limitado lamang ang bisita nina Zeinab at Ray na tila nakumpirma nga ni Zeinab sa kanyang ‘Groomsmen at Bridesmaids gifts’ vlog kung saan nasabi niyang strikto sila pagdating sa pagpili ng mga bisitang dadalo sa kanilang kasal. Gayunpaman, siniguro nilang ang lahat ng mga malalapit na tao sa kanilang buhay ang siyang makasasaksi ng napakahalagang araw na ito para sa kanila ng kanyang Daddy Ray.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!



Source: Zeinab at Ray, ipinakita ang bonggang gifts para sa kanilang groomsmen at bridesmaids