‘YOU HAVE TO SACRIFICE YOUR CAREER’ Naniniwala ang aktor na si Edu Manzano na a
‘YOU HAVE TO SACRIFICE YOUR CAREER’
Naniniwala ang aktor na si Edu Manzano na ang kanyang anak, ang actor-television host na si Luis Manzano, ay may natural na abilidad sa pulitika sakaling magpasya siyang tumakbo sa halalan sa mga susunod na panahon.
“It will always be there. He has a popular mother who has been a public servant for many years. I also had my share of public service,” ani Edu.
“When I was in public service, I would only work for TV and film sa gabi. Luis has a natural charisma. He needs to be more stable mentally, pero sana in time,” saad nito.
Nang siya naman ay tanungin sa posibleng political position ni Luis, pabirong sabi ni Edu: “I suggest he starts at the bottom. Senator agad.”
Noong Hulyo, inamin ng 43-taong-gulang na anak nina Edu at ng aktres at dating politiko na si Vilma Santos-Recto na may mga alok na pumasok siya sa pulitika.
#PilipinasToday
#EduManzano
#LuisManzano
#WannaFactPH