Yeng Constantino, ipinakita ang napakagandang view mula sa kanilang farm

Yeng Constantino, ipinakita ang napakagandang view mula sa kanilang farm.

Ibinahagi ni Yeng Constantino ang napakagandang view mula sa kanyang farm

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Yeng Constantino nang ibahagi niya ang magandang tanawin mula sa kanyang kapapatayo pa lamang na farm. Nalaman ng KAMI na hindi inakala ni Yeng na ang dating pinapangarap lamang nila ng kanyang ama ay mayroon pala sa nabili niyang property. Sa kanyang vlog, muli niyang ipinasyal ang kanyang mga viewers sa lugar na nagsisilbing pahingahan din nila sa busy na lugar ng Kamaynilaan.

“Ang gusto talaga namin ni Papa na magkaroon kami, meron pala kami nito sa aming farm. Overlooking pero ang tinitignan namin ay thousand trees na mga coconuts,” nakangiting sabi ni Yeng. Pinatayuan pa nila talaga ito ng kubo kung saan pumupunta ang kanyang ama tuwing umaga bukod pa sa rest house nilang may bahagyang may lalakarin pa mula roon.

“Sobrang saya ko lang kasi yung dating mine-mention palagi ni Papa na overlooking, overlooking e meron na talaga kami. Hindi lang basta meron kami, talagang nae-enjoy pa ni Papa every day.”

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na “Grand Star Dreamer” sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Kamakailan ay marami ang nagulat sa naging hindi inaasahang rebelasyon ni Yeng Constantino at Ryan Bang.

Samantala, isa si Yeng sa mga celebrities at performers na hayagang nagbigay ng suporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo. Ilang campaign rally rin ng mga Leni-Kiko supporters ang kanyang dinaluhan.