Yen Santos Deletes Paolo Contis’ Birthday Photos on IG
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga netizens na sumusubaybay sa relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis matapos nilang mapansin ang binura ng aktres ang kanyang sweet birthday message sa dating ‘Tahanang Pinakamasaya’ host.
Screaming happy 40th birthday sa best friend ko! Thank you for everything you do, post ng aktres kalakip ang larawan nila ni Paolo Contis.
Sa pagbura ni Yen Santos sa nasabing post na para kay Paolo Contis hindi napigilan ng mga netizens na mag-isip na tila mayroong mali sa relasyon ngayon nina Yen Santos at Paolo Contis.
Matatandaang naging usap-usapan na magkarelasyon sina Paolo Contis at Yen Santos mula noong 2021 silang makitang magkasama sa mga pangkalahatang lugar, kahit tapos na ang mga proyektong pinagsamahan, ang A Faraway Land.
Hindi rin naging madali ang pagsisimula ng relasyon dahil maraming netizens ang naniniwala na si Yen Santos **ang dahilan ng hiwalayan nina Paolo Contis at ng dati niyang partner na si LJ Reyes.
Taong 2023, nang tuluyang inamin ni Paolo Contis ang kanilang relasyon ni Yen Santos at ang kanyang pagmamahal para sa dalaga.
**Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba? Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan. Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila, pahayag ni Paolo Contis.
Samantala, nitong nakaraang taon, nalink din si Paolo Contis kay Arra San Agustin na naging kasamahan niya bilang host sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya, ngunit kaagad na nilinaw ni Paolo Contis na trabaho lamang ang namamagitan sa kanila.