Yasser Marta, Claudine Barretto’s Big Age Gap Sparks Controversy

Nagbigay na ng pahayag ng Sparkle artist na si Yasser Marta patungkol sa totoong nararamdaman niya sa batikang aktres na si Claudine Barretto.

Ilang linggo nang naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng romantikong relasyon nina Claudine Barretto at Yasser Marta matapos silang mamataan na sweet at sobrang close sa isa’t-isa off cam.

Sa isang panayam kay Yasser Marta, inamin ng aktor na totoong nagugustuhan na niya ang aktres na si Claudine Barretto dahil nakilala niya ang totoong pagkatao nito habang ginagawa nila ang kanilang teleserye na Lovers/Liars.

Sa pinakabagong guesting ni Yasser Marta sa Sarap Di Ba? noong sabado April 27, 2024, napili na itanong sa kanya ng kapwa guest na si Liezel Lopez sa segment na Trip to the Hot Seat ng nasabing programa kay Yasser Marta ang patungkol kay Claudine Barretto.

Binuking ni Liezel Lopez na magmula nang magkasama sina Yasser Marta at Claudine Barretto sa isang teleserye ay napapadalas na ang kanilang pagsasama off-cam.

Pina-rate din ni Liezel kay Yasser Marta ang level of closeness or intimacy nila ni Claudine Barretto.

Kaagad naman itong sinagot ni Yasser Marta na kung closeness nila ni Claudine Barretto ang pag-uusapan ay nasa 10/10 talaga.

Ayon pa kay Yasser Marta na labis umano silang nagkalapit ni Claudine Barretto na magmula ng gawin nila ang Lovers/Liars. Maging ang mga anak ni Claudine Barretto ay naging kaibigan na rin niya.

Hayagan ding inamin ni Yasser na naging totoo ang feelings niya para kay Claudine Barretto dahil nakilala na rin umano ang totoong katauhan nito.

Bukod sa pagiging mabait, napakalambing at nagpakabuting tao na umano ni Claudine Barretto na labis na nagpahanga sa kanya.

Wala namang nakikitang mali si Yasser Marta sakaling magkadevelopan sila ni Claudine Barretto dahil pareho naman silang single na dalawa.

Matagal na ring single si Claudine Barretto magmula nang maghiwalay sila ng estranged husband na si Raymart Santiago, samantalang inamin na rin noon ni Yasser Marta na hiwalay na siya sa kanyang girlfriend na si Kate Valdez noong November 2023.