
Xyriel Manabat, Vince Maristela evicted from PBB Celebrity Collab
Ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat at ang Kapuso actor na si Vince Maristela Tuluyan ang latest evictees sa Bahay ni Kuya.
Sina Xyriel at Vince ang nakakuha ng pinakamababang boto sa fifth nomination ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong Sabado, May 31, 2025.
VINCE MARISTELA: KAPUSO EVICTEE
Una munang isinalang ang Kapuso nominees.
Si Vince, na ipinakilalang “Ang Charming Bro-Next-Door ng Cainta,” ay nakakuha ng 9.26%.
Ligtas naman ang kanyang fellow Kapuso nominees na sina Dustin Yu, Mika Salamanca, Will Ashley, at Charlie Fleming.
Kapansin-pansin na hindi gaya ng karamihan sa mga evicted housemates, hindi naging emosyunal si Vince.
Mula sa resulta ng eviction hanggang sa paglabas nito ay nakangiti ang maaliwalas ang mukhang Kapuso artist.
Paliwanag niya, “Sinurender ko lang po talaga yung results ng eviction po today.
“At alam ko po na madami po akong natutunan sa Bahay ni Kuya kaya wala po talaga akong pinagsisisihan sa pag-stay ko dito.”

Photo/s: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
XYRIEL MANABAT: KAPAMILYA EVICTEE
Isinunod na isinalang ang Kapamilya nominees.
Si Xyriel, “Ang Golden Anaktres ng Rizal,” ang may pinakamababang boto na 4.06%.
Naligtas naman ang kanyang fellow Kapamilya nominees na sina Klarisse de Guzman, Bianca de Vera, Brent Manalo, at River Joseph.
Kabaliktaran naman ni Vince, bumuhos ang mga luha ni Xyriel matapos siyang ma-evict.

Photo/s: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
Source: Xyriel Manabat, Vince Maristela evicted from PBB Celebrity Collab