
Xyriel Manabat, binahaging idol na idol si Judy Ann Santos
Xyriel Manabat, binahaging idol na idol si Judy Ann Santos.
Ibinahagi ni Xyriel Manabat na si Judy Ann Santos ang kanyang pinaka-iniidolong artista. Aniya, kahit noong mas bata pa siya ay si Judy Ann ang pinapanood nila ng kanyang mama. Nakwento niya din na noong nasa 100 Days to Heaven ay hindi niya alam na mag-gi-guest si Judy Ann sa show nila kaya nagtago daw siya sa ilalim ng mesa nang makita si Juday.
Naibahagi ni Xyriel Manabat sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na si Judy Ann Santos ang kanyang pinaka-hinahanggaang artista. Aniya, kahit noong mas bata pa siya ay si Judy Ann ang pinapanood nila ng kanyang mama.
Nakwento niya din na noong nasa 100 Days to Heaven ay hindi niya alam na mag-gi-guest si Judy Ann sa show nila at sobrang saya niya daw dahil dito.
Nabanggit ni Xyriel na isa sa hinahanggan niya kay Judy Ann ay ang husay nito sa pag-arte. “Parang siya po yung tipong pag pinatulo niyo po yung luha pataas magagawa niya. Ganun po yung tingin ko sa kanya.”
Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer. Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.
Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang ibahagi ni Xyriel ang ilang pictures niya sa kanyang 18th birthday. Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan, bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya. Hindi man siya aktibo sa showbiz ng ilang taon, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures.
Sa social media post ni Xyriel kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora. Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang “angry” react sa post ni Xyriel sa Facebook. Kasunod nito ay ibinahagi niya ang komento ni Xyriel kaugnay sa kanyang mensahe tungkol sa kung paano nabago ang kanyang pananaw sa aktres. Aniya, paborito daw niya ito dati sa seryeng “100 Days to Heaven” ngunit hindi na daw niya ito paborito si Xyriel.
Mapagkakatiwalaang pinagmulan: KAMI.com.gh