Xian Lim Radiates Happiness with New Girlfriend Iris Lee!

Matapos kumpirmahin ang relasyon, sina Xian Lim at Iris Lee malaya ay ipinasisilip sa mga netizens ang mga sweet moment nilang dalawa.
Ipinakita na ng actor-director na si Xian Lim ang katotohanang masaya sila ni Iris Lee sa piling ng isa’t-isa sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon.
Umani ng samu’t-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang latest Instagram post ni Xian Lim kung saan ibinahagi niya sa unang pagkakataon ang mga larawan nila ni Iris Lee sa kanyang Instagram account.
Ibinahagi ni Xian Lim ang mga larawan nila ng kanyang bagong karelasyon na si Iris Lee tatlong araw matapos ang pag-amin niya sa publiko ng relasyon nilang dalawa.
Ang mga larawan na ito ay kuha noong sino-shoot nila ang kanilang pelikula sa Thailand kung saan si Xian Lim ang direktor habang si Iris Lee naman ang producer.
Sa isang picture, makikitang komportable si Xian Lim na nakaupo sa tabi ni Iris Lee habang mayroon silang sinisilip sa kamera.
Napansin rin ng maraming netizens ang pagiging inspired ni Xian Lim sa pagtatrabaho kasama si Iris Lee. Maging ang pagiging mature at professional ni Iris Lee ay hindi rin pinalampas ng maraming netizens.
May mga netizens pa ang tila nagbago ang isip sa mga nakitang larawan dahil makikita umano sa mga pictures ang pagiging matalino ni Iris Lee at hindi umano ito sabaw.
Tila ito umano ang dahilan kung bakit ito ang pinili ni Xian Lim dahil tila nahanap na umano ng aktor sa katauhan ni Iris Lee ang babaeng hinahanap niya na pareho niyang intelligent at dedicated pagdating sa film-making.
Samantala, ipinagtanggol naman ng general manager ng Aguila Entertainment Agency si Xian Lim laban sa mga bumabatikos rito dahil sa pangloloko na umano nito sa dating karelasyon na si Kim Chiu.
Ayon dito, matagal na niyang kilala si Xian Lim at never pa umano itong nagcheat. Lahat din umano ng relasyon ng aktor ay nagtatagal dahil commited ito kapag may napupusuan.
Sinabi rin nito na sana ay matahimik na ang lahat dahil nagbigay ng pahayag si Xian Lim kung saan sinabi nitong walang third party sa naging hiwalayan nila ni Kim Chiu.
Hindi rin umano matatawag na cheating ang relasyon nina Xian Lim at Iris Lee ngayon dahil naunang naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim bago pumasok sa storya ni Iris Lee.