Xian Lim Gives Orders to Kim Chiu Despite Breakup!

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang isiniwalat ng actor-director na si Xian Lim ang estado ng relasyon nila ng Vivamax film producer na si Iris Lee.

Inamin ni Xian Lim na nagkakamabutihan na sila ni Iris Lee at napakasaya nila sa piling ng isa’t-isa. Pinasinungalingan din ni Xian Lim ang mga balitang nagtuturo kay Iris Lee bilang third party at dahilan ng hiwalayan nila ni Kim Chiu.

Ipinagdidiinan ni Xian Lim na hiwalay na sila ni Kim Chiu nang pumasok at nagkalapit silang dalawa ni Iris Lee. Napakabuti umanong babae ni Iris Lee kaya hindi naman umano nito deserved ang mga masasamang bagay na ibinabato rito mula sa mga tagahanga ni Kim Chiu.

Samantala, umaasa naman ang mga netizens na magbigay ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa mga isiniwalat ni Xian Lim patungkol sa kanilang hiwalayan na nag-ugat umano sa hindi pagkakaintindihan. Marami pa rin sa mga netizens ang hindi naniniwalang walang kinalaman ang ibang babae sa nangyari sa relasyon ng dalawa na tumagal ng mahigit isang dekada.

Ayon sa komento ng kanilang mga netizens, hindi pa rin magkarelasyon noon sina Xian Lim at Iris Lee noong hindi pa hiwalay ang aktor kay Kim Chiu subalit, nag-umpisa nang umusbong ang kanilang pagtitinginan kaya naging madali na lamang para kay Xian Lim na hiwalayan si Kim Chiu.

Sa kabilang banda, tila wala na rin namang maasahang pahayag mula kay Kim Chiu dahil tila wala na itong pakialam sa buhay ngayon ng aktor dahil sa sinabi nitong hindi naman masakit sa isang episode ng It’s Showtime.

Gayunpaman, ikinabigla ng maraming tagahanga ni Kim Chiu ang isiniwalat ni Ogie Diaz na talagang tinawagan pa ni Xian Lim si Kim Chiu para utusan itong linisin ang pangalan ni Iris Lee sa publiko matapos tawaging mang-aagaw ng boyfriend ng kanilang fans ng aktres.