Xian Lim Finally Reveals Relationship with Iris Lee, Sets the Record Straight on Kim Chiu Rumors

Inamin na ng Kapuso actor na si Xian Lim ang totoong estado ng relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee. Nilinaw din ni Xian Lim ang isyu na umano'y ang third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu si Iris Lee. Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Xian Lim matapos ang kanyang pag-amin sa totoong relasyon nila ngayon ni Iris Lee. Sa isang exclusive interview kay Xian Lim ng Esquire Magazine, sinagot at nilinaw ng aktor ang lahat ng isyu na ibinabato sa kanila ni Iris Lee. Sinagot ni Xian Lim ang lahat ng mga speculations sa totoong relasyon nila ni Iris Lee at ang mga haka-haka sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu. Ayon kay Xian Lim, nagdi-date na sila ngayon ni Iris Lee, na totoong totoo bilang isang talented filmmaker at creative partner. Masayang-masaya na rin umano sila sa kanilang relasyon ngayon. Nilinaw din niya ang isyung si Iris Lee ang naging third party sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nagdaang taong 2023. Iginiit ni Xian Lim na hindi naging third party si Iris Lee sa relasyon nila noon ni Kim Chiu. Nagkaroon lamang umano sila ng ugnayang dalawa pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu na naging girlfriend niya sa loob ng maraming taon. “May mga bagay na gusto kong linawin. Number one, na nagkaroon ng third party. Walang third party. Yun lang. That plain and simple.” Pinabulaanan din ni Xian Lim ang mga balitang nagpakasal na sila ni Iris Lee sa New York. “Isa pang tsismis: kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko—ang mga taong huling nag-aalala tungkol sa mga bagay na ito—kino-congratulate na ko. Sabi nila, ‘Congratulations on the marriage in New York!’ At parang, hindi, hindi ako kasal,” pahayag ni Xian Lim. Hiling naman ni Xian Lim sa lahat ng mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee dahil hindi umano nito deserve ang mabatikos. “She doesn’t deserve all that flak. We don’t deserve that because all the things na people are saying, there’s no truth to any of it,” paglilinaw ni Xian Lim.