Xander Arizala Stands Firm: Breakup with Gena Mago Not Just About Content

Kaagad na sinagot ng dating actor at social media influencer na si Xander Arizala ang mga netizens na nagsasabing content lamang niya ang sinasabing hiwalayan nila ng kanyang partner na si Gena Mago.

Ayon kay Xander Arizala, sana ay totoong palabas lamang niya at prank ang sinasabing hiwalayan nila ni Gena Mago para hindi siya masyadong nasaktan.

Bilang patunay sa kanyang sinasabing hiwalayan ni Gena Mago, inilabas ni Xander Arizala na kilala rin noon bilang si Xander Ford sa showbiz ang ilang mga video kung saam makikita ang dating kinakasama na si Gena Mago na kasama na ngayon ang kanyang kaibigan.

Ibinahagi ni Xander Ford ang nasabing video sa kanyang social media account matapos ang pagsagot niya sa isang netizen na nagkomento sa sinasabi niyang hiwalayan ni Gena Mago ay prank lamang kagaya noong mga prank niya kay Christian Merck Grey.

Ayon kay Xander Ford, sana hindi na lang naging totoo ang lahat para hindi na siya gaanong nasaktan at buo pa rin ang kanyang pamilya.

Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan si Xander Ford Arizala at Gena Mago nang ginamit nila ang kanilang social media platform sa paniniil kay Christian Merck Gray sa ipinangako na umanong pakimkim nito sa binyag nilang anak.

Matapos ang ilang linggong parinig ay nagpasya si Christian MercK Gray na ibigay ang hinihingi ni Xander Arizala na 349 thousand at ginawa pa niya itong 350 thousand.

Marami ang naniniwala noon na content alam nila ni Christian Merck Gray ang bangayan nilang patungkol sa pera kaya hindi rin kumbinsido ngayon ang maraming netizens na totoo ang hiwalayan nina Gena Mago at Xander Arizala lalo na ang kaibigang alam nila ang sangkot sa isyu.