Wilma Doesnt reacts to viral “Doesnt shares” article

Umani ng katakut-takot na puna at reaksiyon mula sa netizens ang artikulo tungkol sa actress-model na si Wilma Doesnt.

Si Wilma ang nagmamay-ari ng sikat na karinderyang Chicks Ni Otit.

Tawang-tawa pa rin si Wilma nang banggitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang viral na article tungkol sa kanyang “five-star karinderya.”

Nitong nakaraang September 29, 2024, lumabas sa PEP ang artikulong may pamagat na “Wilma Doesnt shares negosyo tips you won’t learn in school.”

Wilma Doesnt viral interview

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kanyang apelyido na Doesnt, tila nais ipakahulugan ng artikulo na ayaw magbahagi ni Wilma ng tips sa pagnenegosyo.

Pinagkatuwaan ito ng netizens at pinagpasa-pasahan sa social media.

Ang mga puna at reaksiyon na nabanggit ay hindi negatibo kundi positibo at ginawang pampalipas bagot ng netizens sa social media.

Wilma Doesnt viral interview
Wilma Doesnt viral interview

WILMA DOESNT REACTS… SHE ACTUALLY DOES

Sa finale presscon ng GMA-7 afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap kahapon, October 2, 2024, inusisa ng PEP si Wilma ukol sa nag-viral na artikulo tungkol sa kanya.

Sabi ni Wilma: “Actually, hindi ako nao-offend sa mga ganun.

“Actually, flattered ako. Kasi, in a way, nag-trending ka, bakit?

“Yung tao, alam mo naman, pag doesn’t share, ah, ‘Ibig sabihin, madamot talaga siya? Basahin natin.’

“So, naku-curious sila about my last name at kung ano ba yung isi-share ko.

“So, kaya nagka-trending. And again, good thing, hindi ako millennials or Gen Z.

“So, hindi masyado ako maramdamin.

“Flattered ako doon kasi good or bad publicity will always be a publicity.”

Bukambibig ng mga nakakabisita sa kanyang karinderya ang chicken inasal at tuna panga.

May balak pa ba silang magdagdag ng menu sa kanilang listahan?

Sabi ni Wilma, “Marami naman kami doon. Ang Chicks ni Otit ay five-star karinderya, Filipino comfort food siya.

“So, marami siyang pagkain doon, marami kaming menu doon.

“So, marami ang dapat abangan.

“At higit sa lahat, affordable siya.”

Samantala, masaya si Wilma na naging bahagi siya ng Abot-Kamay Na Pangarap mula pa noong unang sultada nito sa ere hanggang sa pagtatapos nito sa October 19, 2024, o halos dalawang taong pamamayagpag sa timeslot nito.