WHAT PEP KNOWS: Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?

Usap-usapan ng netizens kung pinopormahan ni Dominic Roque, 33, si Kathryn Bernardo, 28.

Ito ay matapos makatawag-pansin ang Instagram post ni Dominic na kasama niyang mag-workout si Kathryn.

Nakahalo ang litrato nina Kathryn at Dominic sa series of photos ng aktor na nagpapakita ng highlights ng kanyang mga aktibidades para sa “HalfofJune.”

Dagdag niyang caption: “Life is Good…” at “#GodisGoodGodisGreat.”

Parehong naka-peace sign sina Kathryn at Dominic habang naka-plank position sa isang gym.

Dominic Roque and Kathryn Bernardo at a gym taken on June 2024
Dominic Roque and Kathryn Bernardo at a gym taken in June 2024

Photo/s: @dominicroque Instagram

Hindi maiwasang pag-usapan iyon ng netizens, dahil marami sa mga ito ang nakaabang sa mga binatang napapalapit kay Kathryn.

Single at walang karelasyon si Kathryn.

November 2023 nang opisyal na kinumpirma nina Kathryn at Daniel Padilla ang kanilang breakup.

Dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilabas namin noong Disyembre 2023 ang sinabi ng isang source na, sa ABS-CBN Ball pa lang noong September 30, 2023, hiwalay na ang couple.

Sa kabilang banda, si Dominic at fiancèe na si Bea Alonzo ay napabalitang naghiwalay noong early February 2024. Sabay nilang kinumpirma ito noong February 6 sa pamamagitan ng isang joint statement.

DOMINIC’S CLOSENESS TO KATHRYN AND DANIEL

Matagal nang magkaibigan sina Kathryn at Dominic.

Kabilang si Dominic sa mga pelikulang pinagbidahan ng KathNiel tulad ng Crazy Beautiful You (2015) at Pagpag: Siyam Na Buhay (2013).

Noong kasintahan pa ni Kathryn si Daniel, madalas ay kasa-kasama ng couple si Dominic.

Noong 2019, tinawag pa ni Kathryn si Dominic na “forever third wheel” nila ni Daniel dahil solo si Dominic kapag sumasama sa mga lakad nina Kathryn at Daniel.

Hindi nakikitang isinasama ni Dominic ang noo’y lihim na karelasyong si Michelle Vito.

Dominic Roque with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in 2015
Dominic Roque with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in 2015

Photo/s: @dominicroque Instagram

Bahagi pa noon si Dominic ng Nguya Squad, ang barkada na kinabibilangan nina Kathryn, Daniel, Joshua Garcia, Ria Atayde, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Sofia Andres, at Daniel Miranda.

Hanggang sa noong September 2021, napabalita ang falling-out nina Daniel at Dominic. Tila matagal nang napansin ng netizens na hindi na naka-follow ang mga ito sa Instagram accounts ng isa’t isa.

Habang sina Kathryn at Dominic ay naka-follow pa rin sa kani-kanilang Instagram.

Mula noon ay hindi na namataang kasama ni Dominic si Daniel.

Minsan na lang ding makitang kasama ni Dominic si Kathryn.

Noong 2022 ay nakitang kasama si Dominic sa meetup ni Kathryn at mga kaibigan ng dalaga na sina Ria Atayde at Trina Uytingco.

Tikom ang bibig noon nina Kathryn at Dominic na may falling-out sina Daniel at Dominic.

Dominic Roque get-together with Kathryn Bernardo and her friends in 2022
Dominic Roque bonds with Kathryn Bernardo and her friends in 2022.

Photo/s: @dominicroque Instagram

January 20, 2024 nang kumpirmahin ni Dominic na may falling-out nga sila ni Daniel.

Sinabi ni Dominic na taong 2020 pa nang huli niyang makita at makausap si Daniel, at mula noon ay hindi na raw sila nakakapag-usap.

Naungkat ang isyu sa isang brand event, noong January 20, 2024, nang tanungin si Dominic kung imbitado sina Kathryn at Daniel sa noo’y pinaplanong pagpapakasal nina Dominic at Bea.

Isinapubliko ni Dominic na imbitado si Kathryn, pero si Daniel ay hindi dahil hindi pa raw sila nag-uusap muli.

DOMINIC AND KATHRYN’S RENEWED CLOSENESS

Bukod sa dati nang magkaibigan, nanumbalik ang closeness ni Dominic kay Kathryn pagpasok ng taong 2024.

Ayon sa source ng PEP, nagkita at nagkausap sina Kathryn at Dominic bago ang mainit na pinag-usapang pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel noong January 10, 2024.

Noong panahong iyon ay mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang aminin nina Kathryn at Daniel na tinapos na nila ang labing-isang taong relasyon.

Kung anuman ang nasabi ni Dominic kay Kathryn noong nagkita sila noong January 2024, sa tingin ng source ay ito ang dahilan kung bakit malaki ang tiwala ng dalaga rito.

Sa dami raw kasi ng common friends nina Kathryn at Daniel, posibleng si Dominic lang ang piniling magbigay ng impormasyon kay Kathryn at isugal ang pagkakaibigigan nila ni Daniel.

Sa sapantaha ng source, may sinabi si Dominic kay Kathryn na nag-udyok sa dalaga upang tuluyang tuldukan na ang komunikasyon kay Daniel.

Kataka-taka raw kasi na noon lamang nag-unfollow si Kathryn kay Daniel, gayong noong December 2023 ay dalawang beses pang nagkatrabaho ang ex-couple.

Noong December 16, may dance production number sina Kathryn at Daniel gamit ang kanta ng Rembrandts na “I’ll Be There For You,” ang theme song ng sikat na American comedy series na Friends.

Magkasama rin sina Kathryn at Daniel nang tanggapin nila ang Fabulous Award sa Asian Artist Awards noong December 14.

Hindi lang si Daniel ang napansin ng netizens na in-unfollow ni Kathryn.

January 11, 2024, naging tampulan ng espekulasyon sa social media ang anila’y pag-unfollow rin ni Kathryn sa tatlong female celebrities—sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio.

Hindi naman malinaw kung gaano katagal nang naka-follow si Kathryn sa tatlong babaeng personalidad, na noong mga panahong iyon ay makikitang pare-parehong naka-follow sa IG ni Kathryn.

Kinabukasan, January 12, naiulat ang makahulugang post sa Instagram at Facebook ng nakatatandang kapatid ni Kathryn na si Kaye Bernardo. Hinala ng netizens, may kinalaman iyon sa pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel.

Laman ng nakakaintrigang post ni Kaye ang isang litrato ng maskara na may nakasulat na “WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER.”

Kalakip nito ang caption ni Kaye na nakasaad ang mga taong “(2017, 2018, 2019, 2021, 2023),” pati ang mga katagang “and the very first one that I know (2014).”

Nitong June 2024, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens na hindi na naka-follow sa Instagram ni Kathryn sina Julia at Liza, dahilan para mapaisip ang iba sa koneksyon nito sa sinasabing pag-unfollow ni Kathryn sa dalawa noong January 2024.

dominic reveals guest list despite breakup with bea?

Mula nang manumbalik ang pagkakaibigan nina Dominic at Kathryn, ayon sa ilang sumusubaybay sa Kathryn-Daniel saga, naging masigasig daw si Dominic sa pakikipagkaibigan kay Kathryn.

Tulad na lamang daw ng pagsapubliko ni Dominic, sa isang brand event noong January 20, 2024, na imbitado si Kathryn sa kasal nila ni Bea.

Kahit pang sa mga sumunod na araw ay lumabas, base sa panayam kay Bea ng February 3, na wala pang napipinal sa inaahasang wedding nila ni Dominic.

Napag-alaman naman ng PEP na bandang “mid-January” pa lamang ay hiwalay na sina Bea at Dominic.

Kahit netizens ay nakapansing mula nang bumalik galing Japan ang engaged couple ay lumamlam ang dati’y nakikita sa social media na sweetness ng dalawa.

January 19 nang ipasilip ni Bea sa Instagram ang pakikipagkita niya sa mga kaibigang Bea Saw at Dimples Romana, na tinawag ni Bea na “my unpaid therapists.”

Base sa January 16 Instagram post ni Dominic, hindi na rin kasama si Bea sa birthday celebration ng ina ng binata.

Kaya ayon sa source, kataka-takang nagbanggit pa si Dominic ng guest list ng kasal nito kay Bea dahil hiwalay na sila ng fiancée noong makapanayam si Dominic ng press.

Hindi rin maintindihan ng source kung bakit si Dominic pa ang gumawa ng isyu nang kumpirmahin niyang invited si Kathryn, habang si Daniel ay hindi kasama sa guest list.

DOMINIC SEEN WITH KATHRYN AT PARTIES, OTHER OCCASIONS

Sa kabilang banda, hindi naman lingid sa showbiz na malapit ni Dominic sa mga kaibigang babae at lalaki.

Maging si Bea ay nagsabi, sa vlog niya noong September 2023, na pangarap niya ang “intimidate wedding.” Pero baka hindi raw mangyari dahil sa dami ng iba-ibang grupong mga kaibigan ni Dominic, habang ang aktres naman ay maraming acquaintances sa trabaho.

Kalaunan, naudlot ang planong pagpapakasal nina Bea at Dominic nang maghiwalay sila.

Mas dumalas ang pakikipagkita ni Dominic sa mga kaibigan, base sa mga litratong ibinabahagi niya sa Instagram.

Consistent ding nakakasama si Dominic sa mga ganap sa buhay ni Kathryn.

Imbitado si Dominic sa birthday celebration ni Kathryn sa Palawan noong March 26, at sa housewarming party sa bagong bahay ng Kapamilya star noong April 11.

Kathryn Bernardo's (second to the right) housewarming party guests (L-R) included Alden Richards, Dr. Z Teo, Dominic Roque and Dr. Aivee Teo.
Kathryn Bernardo (second to the right) with her housewarming party guests (L-R) Alden Richards, Dr. Z Teo, Dominic Roque, and Dr. Aivee Teo.

Photo/s: CTTO

Noong Hunyo ay nakitang magkasama ang dalawa sa isang beauty clinic kunsaan endorser si Kathryn.

May isa ring pagkakataon noong June na magkasamang nagwo-workout ang dalawa. Nakunan pa sila ng litrato kasama ang anak ng coach nila.

Dominic Roque and Kathryn Bernardo workout sometime in June 2024
Dominic Roque and Kathryn Bernardo work out in the second week of June 2024.

Photo/s: CTTO via Instagram

At noong June 21 ay si Dominic ang nag-post ng litrato nila ni Kathryn na kuha sa isang gym.

Timing na kaka-presscon lang ng ex-fiancée ni Dominic na si Bea. June 21 din nang ganapin ang presscon ng Widows’ War, kunsaan kinukumusta ang lovelife ni Bea.

Sumagot si Bea na siya ay “very single,” na ibig sabihin ay wala pa itong bagong karelasyon.

Hindi naman maiwasang maging palaisipan sa netizens kung sino ang bagong pumalit sa puso ni Dominic. Sa comments section ng post ni Dominic ng June 21, iba-iba ang reaksiyon ng netizens.

May nagkomentong tunay na magkaibigan daw talaga sina Dominic at Kathryn, pero may nagsabi ring bagay si Dominic kay Kathryn.

DOMINIC ON REAL SCORE WITH KATHRYN

Hindi naman pinatagal ni Dominic ang espekulasyon tungkol sa kanila ni Kathryn.

Ni-like ni Dominic ang komento ng isang netizen na natutuwa itong hindi nagbabago ang friendship niya kay Kathryn.

Nag-reply rin si Dominic. Aniya, “Bros” daw sila ni Kathryn.

Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?

Naka-like din si Dominic sa nagsabing “BEST FRIEND” ang peg niya sa buhay ni Kathryn.

Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?

Marami pang ibang ni-like si Dominic sa feedback ng kanyang followers.

Ni-like ni Dominic ang mga komentong nagsasabing “cute” silang dalawa ni Kathryn.

Susog ng isa pang netizen, “@dominicroque at @bernardokath feel ko kayong dalawa. May future.” Naka-like din si Dominic dito.

Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?

Pati sa nagsabing “Kath dom. Pwede” at sa “Sa pang apat na pic ako kinilig” ay nag-like ang binata.

Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?
Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?

May sumingit ding netizen na boto ito kay Kathryn para kay Alden Richards, na napapabalitang isa sa mga masugid na manliligaw ng dalaga ngayon. Ni-like rin iyon ni Dominic.

Dominic Roque likes comment of netizen rooting for Alden Richards for Kathryn Bernardo

Ang tanong: Kung “bros” lang sila ni Kathryn, bakit niya ni-like ang mga nagsasabing bagay sila? May gusto rin ba siya sa aktres?

Kung alin sa mga ni-like ni Dominic ang seryoso siya o fan-serving lamang ay hindi mawari dahil tila nag-liking spree si Dominic sa dami ng mga comments na pinansin niya.

Sa Facebook page ng isang entertainment vlog noong June 25, may artikulong ang headline ay “Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?”

Sumagot sa comments section si Dominic: “kapatid ko po yan.”

Inulit niyang “bros” ang turingan nila ng dalaga.

Sa isang banda, noon pang September 2023 ay napansin na rin ang closeness ni Dominic kay Kathryn.

Sa isang umpukan, may saksi na nagsabing pansin nito ang kakaibang ikinilos ni Dominic pagdating kay Kathryn.

“Si Bea ang girlfriend, mas si Kathryn ang inaalalayan sa party,” namamahanghang obserbasyon ng nakapansin sa kilos ni Dominic.

Tanong ng sources: Concerned friend lang ba si Dominic o may balak kay Kathryn na mas higit doon?

DOMINIC PURSUED BEA WHEN THEY WERE JUST FRIENDS

Matatandaang nagsimula sa pagkakaibigan ang relasyon noon ni Dominic kay Bea, base sa kuwento nila ng kanilang love story.

Nagparamdam na si Dominic ng pagkagusto kay Bea nang sundan niya ang aktres sa bakasyon nito sa Japan noong November 2019, base sa kuwento ni Dominic sa podcast ng mga kaibigang Gabbi Garcia at Khalil Ramos noong September 2021.

Nang magkasama noon sa Japan sina Bea at Dominic, si Bea ay higit-kumulang apat na buwan pa lang hiwalay kay Gerald Anderson.

Fresh from a breakup din noon si Dominic.

Napag-alaman naman ng PEP, mula sa isa pang source, na kahihiwalay lang ni Dominic sa noo’y girlfriend na si Michelle Vito.

Sa pagkakaalam ng source, inaayos pa raw sana nina Dominic at Michelle ang kanilang relasyon noon.

Pero naudlot ito nang pagbalik ni Dominic galing Japan ay hindi na umano ito nakipag-communicate kay Michelle.

Sa panayam ng PEP kay Bea noong November 2019, itinanggi niyang may namamagitan sa kanila ni Dominic.

Magkaibigan lang daw sila at lumalabas-labas sila kasama ng iba pang mga kaibigan mula 2016.

February 2020 naman nang maiulat na madalas ang pagsama ni Dominic kay Bea, sa pag-grocery at pati na sa isang family gathering ng aktres.

Kasagsagan ng pandemic, noong April 2020, naiulat ding namataan ang sasakyan ni Dominic sa bahay ni Bea, na noo’y boluntaryong gumagawa ng face shields para i-donate sa frontliners.

Mukhang nagkabunga ang mga pagpaparamdam ni Dominic.

Lihim na nagkakamabutihan ang dalawa at kalaunan ay naging opisyal na magkasintahan.

Na-engage sina Bea at Dominic noong July 18, 2023.

Matapos ang anim na buwan, noong January 2024, naghiwalay ang couple.