What Akihiro Blanco gets busy with these days

“Hands down” si Akihiro Blanco, 29, sa mga katrabahong beteranong artista na sina Carmi Martin at Jaime Fabregas sa Isang Komedya Sa Langit.

Ang Isang Komedya Sa Langit ay isang time-travel movie na pinagbibidahan ng tatlong paring gagampanan nina Jaime, EA Guzman, at Gene Padilla.

Nagta-time travel ang mga ito from 1872 to 2024. May touch ng Philippine history, tulad ng atake ng hit Kapuso prime-time series na Maria Clara at Ibarra.

“Ayun, siyempre, first day kinabahan po ako kasi si Tito Jaime, si Ms. Carmi makaka-work ko po, and siyempre sina Tito Gene, EA, first time ko po silang maka-work.

“And nung mga araw na yun, hindi ako makatulog kasi sila yung mga makakatrabaho ko,” lahad ni Akihiro.

Si Carmi, na gumaganap na funky lola sa present time ng pelikula, ang madalas na kaeksena ni Akihiro.

“Siya yung lola ko po dito,” pagtukoy ni Akihiro kay Carmi, na ang ibig sabihin ay nasa present time rin ang karakter ng aktor.

Ano ang papel na gagampanan niya?

Sagot ni Akihiro, “Ako po dito si Marco, isang happy-go-lucky na estudyante, at mami-meet ko po yung tatlong pari, iyan sina Tito Jaime, Tito Gene, tsaka si EA.

“And iyon po si Ms. Carmi, kami po yung magkakasama sa adventure na ito na napakasaya.”

Aminado si Akihiro na kabado siya bago sumalang sa shooting ng pelikula.

“Bago mag-start, sinabi sa akin ni Ma’am Rossana na aralin ko daw po yung script, yung character ko.

“And ayun po, nung Day 1 ng shooting namin sobra yung kaba ko. Pero nag-pray naman ako, and nagawa namin lahat mga yung scenes and natapos po namin lahat.”

Ang tinukoy ni Akihiro na Ma’am Rossana ay si Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media, na producer ng pelikula.

AKIHIRO BLANCO ON BONDING WITH CO-STARS

Masaya si Akihiro na sumuporta sa mga bida sa Isang Komedya Sa Langit na sina Jaime, EA, at Gene.

“For me, sobrang go lang po, sobra! Kasi kasama ko sina Tito Jaime, sina Ms. Carmi, madami po akong matututunan sa kanila dito.

“Pantay-pantay po lahat ng characters po namin dito pagka napanood niyo po yung movie.

“And iyon, the best, nakakatawa, sina Tito Gene, masayang kasama sa set, the best!”

Nagkaroon daw si Akihiro ng pagkakataong makilala ang co-stars niya.

“Si Tito Jaime, sabay kaming pumupunta sa mga location, sa set po, e. Kasi minsan ang location namin walang parking kaya hindi kami lahat nagdadala ng kotse, sumasabay po siya sa kotse ko.

“And then siguro, yung the best po dito yung bonding po namin sa set. Kami nina EA, nina Tito Gene, Ms. Carmi, Tito Jaime kasi nagiging comfortable po ako.

“Ganun yung bonding namin, para pag dumating na po yung eksena namin, mas lalong relaxed kami at nagagawa namin yung scenes na mas maayos. Yung character namin, mas nagagampanan po namin nang tama.”

Kung bibigyan siya ng pagkakataong mag-time travel, saan siya pupunta?

Sagot ni Akihiro, “Siguro po ako kung magta-time travel, gusto ko po sa panahon ng mga dinosaurs!

“Gusto ko silang makita, pero nakakatuwa kasi sa movie ko lang sila nakikita or sa games, hindi mo sila nakikita nang aktwal.

“Mahilig ako sa mga dinosaur, nanonood ako ng mga Jurassic Park films.

“Pero yung may powers ka lang. Kapag nakita ko na sila, babalik na ako sa present time.”

Sa direksyon ni Roi Paolo Calilong, mapapanood ang Isang Komedya sa Langit simula May 28, 2025.

Ipapalabas ito sa Greenhills Theater at sa mga sumusunod na SM cinemas: SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, at SM Dasmariñas.

AKIHIRO BLANCO AS A VIVA ARTIST

Si Akihiro ay bahagi ng roster of talents ng Viva Artists Agency.

Mapapanood ba siya sa VMX, na kilala sa pagprodyus ng mga sexy movies?

“Ah, hindi po,” sagot ng binata.

Kung may offer ang VMX na seksi pero maganda ang role at kuwento, papayag siya?

“Siguro po, depende sa story, sa script,” sagot ni Akihiro.

Co-managed si Akihiro ng Viva at ng talent manager na si Tyrone Escalante.

Huling bumida si Akihiro sa The Last 12 Days ng Viva One at Blade PH na nag-streaming sa walumpung (80) bansa noong Disyembre 2024.

Katambal niya roon si Mary Joy Apostol.

Unang nakilala si Akihiro bilang isa sa anim na finalists sa Artista Academy, ang reality talent search ng TV5 noong 2012.

Ilan sa major projects niya sa TV5 ay ang Madam Chairman (2013), na pinagbidahan ni Sharon Cuneta, at ilang installments ng Wattpad Presents.

Source: What Akihiro Blanco gets busy with these days