Vivoree explores role as Eds in Tabing Ilog: The Musical

Ayon sa aktres na si Vivoree, mas may “grit” ang rerun ng Tabing Ilog: The Musical ngayong magbabalik na ito sa entablado.

May mga binago rin daw sila sa mga kanta at istorya ng musical ngayong isang taon na ang nakalilipas mula nang una itong itanghal sa Philippine Educational Theater Association (PETA) noong 2023.

Ginagampanan ni Vivoree sa Tabing Ilog: The Musical ang karakter ni Eds.

Ang role na ito ay hango sa karakter na unang ginampanan ni Kaye Abad sa hit youth-oriented series ng ABS-CBN noong ’90s.

New cast of Tabing-Ilog: The Musical rerun

THE CAST OF TABING ILOG: THE MUSICAL Photo/s: PR Photo

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

VIVOREE ON HER CHARACTER AS EDS

Ayon kay Vivoree, mas nakilala na niya ngayon ang kanyang karakter na si Eds.

“Yes, actually,” pakli niya.

“Kasi, parang after namin magpaulit-ulit ng mga shows sa last run namin, parang nagkaroon din ako ng time to, like, think about, ‘Oh my gosh, maganda din tong gawin as Eds.”

Kinonsulta ba nila, o siya mismo, ang original artist ng character na si Kaye?

Tugon ni Vivoree, “Yeah, opo. Kami lahat talagang binibigyan kami ng chance [na makausap sila.]

“Actually, they were there to watch,” pagtukoy niya sa original cast na nanood noong theater run nila.

Vivoree interview during Tabing Ilog mediacon

Ayon pa kay Vivoree, may magandang mapupulot ang mga manonood ng show nila.

Paliwanag niya, “Kasi we tackled a lot of social issues there, sa play, which is something that I really love about the play.”

Samantala, ayaw munang sabihin ni Vivoree ang upcoming projects niya.

Pagkatapos ba ng run ng Tabing Ilog ay gagawa siya muli ng musical?

Tugon niya, “Yes, I would love to. I love music, I love visual arts, performing arts.”

Bukod kay Vivoree, kasama sa cast ng Tabing Ilog: The Musical sina Sheena Belarmino, Benedix Ramos, Anji Salvacion, Kobie Brown, Jordan Andrews, Kiara Takahashi, Andi Abaya, Omar Uddin, Akira Morishita ng BGYO, Jhoanna Robles ng BINI, Joann Co, Red Nuestro, Gimbey Dela Cruz, Yeyin Dela Cruz, at Adrian Lindayag.

Kasama rin sa cast sina Lance Reblando, Vyen Villanueva, Teetin Villanueva, Jude Hindumdum, Vino Mabalot, at Miah Canton.

Ito ay mula sa direksiyon ni Phil Noble.

Mapapanood ang rerun ng Tabing Ilog: The Musical sa Peta Theater, Quezon City, mula November 8 hanggang December 1, 2024.

Mabibili naman ang tickets sa Ticketworld.