Vina Morales on being single: “You know, that’s how life is.”

“Single and ready to mingle,” ang bungad ni Vina Morales sa media tungkol sa kanyang love life.

Dagdag niya, “Wala akong bago. Wala, I think it just happened that it wasn’t really meant.

“Actually, ewan ko ba anong nangyari. But you know, that’s how life is, di ba?

“You’ll never know who you end up with, so ako, with my personal journey sa love life ko, ini-enjoy ko nalang yung journey.

“Hindi ko iniisip kung kailan ba darating yun, kung sino man yun.

“I know there’s a person for me out there.”

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Vina ay ang foreigner na si Andrew Kovalcin.

Naging Instagram official sila noong November 2023.

Pero, noong October 2024, sinabi ni Vina na naghiwalay na sila ng foreigner boyfriend.

Puwede na ba niyang subukang Pinoy naman ang kanyang idi-date?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sagot ni Vina, “For a change, Pilipino naman? Puwede rin naman, puwede rin naman. Oo naman, puwede rin naman ako mag-entertain ng Pilipino.

“Kasi before, gusto ko nga. Alam mo yun, parang wala masyadong problema? But I realized, you know, if it’s sa Filipino, then, why not, di ba?”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter si Vina sa Landers 8th Anniversary Shop & Win grand draw na ginanap sa Arca South branch, Taguig City, noong January 20, 2025.

Vina Morales with fellow Landers Superstore co-ambassadors Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama

Vina Morales with fellow Landers Superstore co-ambassadors Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama

Si Vina, bukod sa pagiging ambassador, ay nagbigay din ng kasiyahan sa mga taong dumalo sa event dahil sa kanyang halos 15-minute mini-concert.

Vina Morales singing at the Landers crowd

Vina Morales singing with the crowd at Landers event

VINA MORALES on marriage: “may chance pa naman.”

Malapit na rin ang Valentine’s Day, naalala pa ba niya ang kanyang most memorable date?

Balik-tanaw ni Vina, “Para sa akin, na nangyari sa akin? Parang wala yata akong maalala.

“No, no, kasi marami. I’ve had so much fun with my ex. Yung mga ex, may mga kanya-kanya namang moments na talagang hindi ko makakalimutan.

“Like we traveled together sa ibang country, we were, like, skateboarding, yung mga ganun, or ang daming mga experience.

“Ang dami ko na ring mga hindi makakalimutan na experience, mga sweet moments with my exes. So, di ko lang kaya maisa-isa.

“Kasi in fairness naman, naging mabuti din naman sila sa akin, and it just didn’t work out. Hindi lang talaga kami swak sa isa’t isa.

“I mean, he’s meant for somebody else, I’m meant for someone else. I guess that’s how life is.”

Pangarap pa rin ba niyang mag-asawa? Si Vina ay 49 years old na ngayon.

Tugon niya, “Siyempre. Siyempre mas maganda yung may blessing ka, di ba, from God yung relationship niyo? Siyempre, any woman, we want to get married, but may kanya-kanya tayong journey sa buhay.

“Minsan, hindi talaga meant sa isang babae na mapangasawa, or sa isang tao na hindi makasal, or maging mother. You know, to experience motherhood, ako, at least na-experience ko yung motherhood.

“Yung kasal? Hindi ko alam, may chance pa naman, may chance pa naman. I’m not closing my doors.”

Shopping cart