Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas

Kumpirmado na ang muling pagsabak sa politika ng Star For All Seasons na si Vilma Santos matapos magpahinga ng tatlong taon.

Ngayong Huwebes ng umaga, October 3, 2024, pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy ang actress-politician sa Batangas Provincial Capitol para sa 2025 elections.

Muli siyang tatakbo bilang governor ng Batangas, ang puwestong hinawakan niya sa loob ng tatlong termino—mula 2007 hanggang 2016.

Noong 2022 ay hindi tumakbo sa anumang government post si Vilma pagkatapos ng kanyang pangalawang termino bilang representative ng 6th district ng Batangas.

VILMA SANTOS’S SONS WILL ALSO RUN IN BATANGAS

Kasama ni Vilma na naghain ng certificate of candidacy ngayong araw ang kanyang dalawang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto, na pareho na ring sasabak sa politika.

Si Luis, na anak ni Vilma sa dati niyang asawa na si Edu Manzano, ay kakandidato bilang vice-governor ng Batangas.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ryan, na anak ng aktres sa mister niyang si Finance Secretary Ralph Recto, ay tatakbo bilang congressman ng 6th district ng Batangas, ang dating posisyon ng kanyang ina.

Ang pagsusumite ng certificates of candidacy nina Luis at Ryan ang kumpirmasyon sa hinala noong sasabak din sa politika ang magkapatid dahil madalas silang makita sa political events sa Batangas.

Sinamahan sina Vilma, Luis, at Ryan sa kanilang pagsusumite ng certificates of candidacy ni Secretary Recto at ng misis ni Luis na si Jessy Mendiola.

Katiket ng mag-iina si Mikee Morada, ang mister ni Alex Gonzaga, na tatakbo bilang Lipa City vice-mayor.

vilma santos luis manzano ryan christian 2025 elections
Vilma Santos, sons Luis Manzano and Ryan Christian Recto are joined by their ticketmates, Finance Secretary Ralph Recto and actress Jessy Mendiola, at the Batangas Provincial Capitol.

Photo/s: Mayor Eric B. Africa Facebook