Video of Ziggy Dantes singing “Can’t Help Falling in Love” at Marian Rivera’s birthday party goes viral

Video of Ziggy Dantes singing “Can’t Help Falling in Love” at Marian Rivera’s birthday party goes viral.

– Si Ziggy Dantes ay nakakuha ng puso ng marami matapos niyang alayan ng isang kanta si Marian Rivera
– Sa kaarawan ni Marian na nagdaos ng 38th birthday party, kumanta si Ziggy ng “Can’t Help Falling in Love” para sa kanyang nanay
– Ang mga video ng kanyang pagtatanghal na na-upload ng mga nagdalo ay kumalat sa social media
– Maraming netizens ang naaliw sa nakakagigil na pag-awit ni baby Ziggy
Nakakaantig ang puso ni Ziggy Dantes matapos niyang alayan ng kanta si Marian Rivera, na ipinagdiwang ang kanyang ika-38 kaarawan noong Agosto 12.
Ang celebrity mom ay nagmarka ng espesyal na araw na may isang magandang kaarawan na dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Nalaman ng KAMI na ang nagdalo sa party ay nag-post sa social media ng mga video ni Ziggy na kumakanta para sa kanyang ina.
Ang tatlong-taong gulang na batang lalaki ay kumanta nang kaakit-akit ng “Can’t Help Falling in Love” ni Elvis Presley sa nasabing party.

Samantala, naaliw ang mga netizens sa kahusayan ng celebrity baby.
Narito ang ilan sa mga komento:
“Cuuute and sweeeet Sixto! Blessed ang aming Queen!”
“Pogi ng bebe na yan, galing din mag sing”
“Apaka cuuute mo zixto, at super sweet sa mama yan2”
“Galing ni Ziggy”
“Proud na proud si ate Z”
Noodin ang cute na pagtatanghal ni Ziggy sa video sa ibaba:

Si Marian Rivera Gracia-Dantes, o mas kilala bilang Marian Rivera, ay isang sikat na Pinay aktres, endorser, at host ng telebisyon. Ipinanganak siya noong Agosto 12, 1984. Sumikat si Marian matapos ang pagganap sa papel ni Marimar at ang pagganap din sa superheroine na si Darna. Nagpakasal ang aktres kay Dingdong Dantes noong 2014. May dalawa na silang anak, Zia at Ziggy.

Ang panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na si Zia Dantes, ay pinuri dahil sa isang video na inilabas ng celebrity mom. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Marian ang nasabing video kung saan si Zia ay tumutugtog ng “Für Elise” ni Ludwig van Beethoven sa piano. Ang mga viewers nito, kasama na ang mga celebrities, ay naaliw sa kahusayan sa video. Si Angel Locsin at Julie Anne San Jose ay ilan sa mga nagpuri sa anim-na-taong celebrity kid.

Mukhang may potensyal din si Ate Zia sa pagkuha ng litrato. Sa isang Instagram post, ipinakita ni Marian ang ilang mga larawan na kuha ni Zia sa kanila ni Dingdong. Sa isa sa mga larawan na inilagay ng celebrity mom, makikita si Zia na kumuha ng larawan ng kanyang mga magulang. Maraming netizens ang hindi nakatiis na ipagdiwang ang galing ni Zia sa pagkuha ng litrato.