Video ng rehearsals para sa umano’y bagong “Eat Bulaga Kapuso,” viral

Video ng rehearsals para sa umano’y bagong “Eat Bulaga Kapuso,” viral.

– Ang video ng umano’y rehearsal para sa bagong “Eat Bulaga” show ay nag-viral
– Ipinapakita nito ang ilang mga indibidwal na sumasayaw sa entablado ng EB
– Ibinahagi ang maikling clip ni @MadamWanderBeki sa Twitter
– Nag-upload din si Direk Jun Zarate ng bagong logo sa kanyang Twitter account, na may nakalagay na “Eat Bulaga Kapuso”

Isang video ng umano’y rehearsal ng mga staff at crew para sa bagong “Eat Bulaga” show ay nag-viral.

Ipinalabas sa video ang ilang mga indibidwal na sumasayaw sa entablado ng EB.

“Look: rehearsal para sa bagong Eat Bulaga…,” ang nakasulat sa caption ni @MadamWanderBeki na nag-upload ng video clip.

Sa tweet ni @ShowbizBanter, nakita ang ilang mga bituin na nasa rehearsal kabilang sina Paolo Contis, Alexa Miro, at Buboy Villar.

Si Direk Jun Zarate rin ang magiging direktor ng show sa Lunes.

Sa account ni Direk Jun Zarate, binago niya ang kanyang profile picture at nag-upload ng bagong logo na may nakasulat na “Eat Bulaga Kapuso.”

May isang netizen na nagtanong sa kanya kung ito ay online o mainstream, kung saan sinagot ni Direk Jun ng “TV live mainstream.”

“Ang “Eat Bulaga” ang pinakamatagal na noontime program sa buong mundo. Ang mga host nito, kabilang sina Vic Sotto, Tito Sotto, Joey De Leon, Maine Mendoza, at iba pa, ay nag-anunsiyo noong Mayo 31 na hihiwalay na sila sa TAPE Inc., ang kumpanyang nagpo-produce ng show. Hindi pa malinaw sa kasalukuyang pagsulat nito kung dadalhin ng mga host ang Eat Bulaga title sa isa pang network o kung mananatiling nasa TAPE Inc. ang iconic name.

Ang isang source ng Abante entertainment columnist na si Jun Lalin ay nagsabing ang show na “Eat Bulaga” ay magbabalik sa live performance sa Lunes. Sa pagkakataong ito, may mga umano’y bagong host. Kabilang sa mga nasabing hosts ay sina Paolo Contis, Betong, Buboy Villar, Alexa Miro, at Kuya Kim Atienza. Bukod sa umano’y limang pangunahing hosts, may iba pang mga host na sasali rin.

Nag-post si Joey De Leon ng isang cryptic message tungkol sa kanyang show na “Eat Bulaga.” Binanggit niya kung paano niya sinabi noon na ang “Eat Bulaga” ay nagbabakasyon lamang at hindi nag-si-sign off. Ibinalik niya ang kahulugan ng kanyang naunang pahayag bilang “Take five.” Dahil sa kanyang post, nagkakaspekulasyon ang mga netizen kung lilipat sinaya at ang mga host ng “Eat Bulaga” sa TV5.