Victoria Velasquez Vincent joins Miss Universe New Zealand 2024

Inanunsiyo ng beauty queen na si Victoria Velasquez Vincent na sasabak siyang muli sa pageant.

This time, hindi na sa Pilipinas.

Isa siya sa kandidata sa Miss Universe New Zealand 2024, kung saan ang mananalo ang magiging kinatawan ng New Zealand sa Miss Universe 2024.

Sa kanyang Instagram ngayong Lunes, September 2, 2024, nag-post si Victoria ng ilang larawang kuha sa Day 1 ng Miss Universe New Zealand 2024 activities.

Sabi niya sa caption: “A cute lil collage of two things I love – new beginnings and my drone shots of NZ scenery

“MUNZ Day 01 was a beautiful reminder of:

“The diversity of kiwi women

“The innovation behind local kiwi businesses

“How women can be anything and everything, all at once

Victoria Velasquez Vincent’S PHILIPPINE PAGEANT JOURNEY

Dalawang beses nang sumali si Victoria sa Miss Universe Philippines.

Una, noong 2021, kung saan hinirang siyang Miss Universe Philippines 2021 Charity.

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu ang nanalo bilang Miss Universe Philippines 2021.

Ilang araw pagkatapos ng pageant, inalok siyang maging Miss Universe New Zealand 2021 representative.

Born and raised sa New Zealand si Victoria.

Pero, tinanggihan niya ito.

Matapos daw ang ilang diskusyon kasama ang pamilya, kaibigan, at kanyang grupo, napagdesisyunan niyang huwag tanggapin ang offer na i-represent sa Miss Universe 2021 ang bansang kanyang sinilangan at kinalakihan.

Pahayag ni Victoria sa kanyang Instagram post noong October 11, “Shortly after the MUPH coronation night, I was offered to be Miss Universe New Zealand 2021.

“After a week of contemplation, countless discussions with my family, friends and team, I eventually came to the decision to politely decline the offer.”

Posible raw na marami ang magsabing mali siya sa kanyang pagtanggi sa alok, pero alam niyang tama ang kanyang desisyon. Ang gusto raw niya ay magsilbi sa Pilipinas kahit may sabihin pa ang ibang tao laban sa kanya.

Saad ni Victoria, “So many people will say I’m crazy for turning down this opportunity, but I had to choose what I know in my heart was the right thing to do.

“My heart is, and always will be here to serve the Philippines. Some may say I’m not Filipina enough, and that’s ok. I know who I am.

“I know what I stand for. I am a Filipina.”

Muli siyang sumali sa Miss Universe Philippines 2024, pero hanggang Top 10 lamang ang kanyang inabot.

Si Chelsea Manalo ng Bulacan ang hinirang na winner.

Labing-anim na kandidata ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe New Zealand 2024.

Miss Universe New Zealand 2024 candidates

Photo/s: Courtesy: Instagram