Vice Ganda teased Kim Chiu on Showtime Live after their attendance together at Angeline Quinto’s wedding.

Muling inasar ni Vice Ganda si Kim Chiu matapos dumalo sa kasal nina Angeline Quinto kahapon.

Kaagad itong kinakiligan ng maraming netizens at hiniling nila na maging sina Paulo Avelino at Kim Chiu na sa totoong buhay.

Sabay na dumating sina Paulo Avelino at Kim Chiu, sabay din umalis ang dalawa kaya marami ang nagsasabing totoong magjowa na ang dalawa.

Hindi pinapalampas ni Vice Ganda ang mga pang-aasar at tila sadya nitong ibinubuking ang estado ng dalawa.

Marami ang umayuda sa napipintong relasyon ng dalawa dahil makikita ang napakalakas nilang chemistry at tila napapasaya ni Paulo Avelino si Kim Chiu.

Marami ang nag-level up sa pagtangkilik sa kanilang relasyon, mula sa pagiging boyfriend-girlfriend hanggang sa pag-iisip na ikasal na sila.

Hindi pa nililinaw nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ngunit kitang-kita ang kilig sa mukha ni Kim Chiu tuwing tinutukso siya kay Paulo Avelino.

Napalitan ng kasiyahan ang lungkot sa mga mata ni Kim Chiu matapos ang hiwalayan nila ni Xian Lim matapos ang mahigit 12 taon nilang relasyon.

Parang sinayang lang ni Kim Chiu ang kanyang panahon at pagmamahal kay Xian Lim na hindi naman siya napanindigan.

Kaya abangan na lang natin kung anuman ang magiging takbo ng relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa hinaharap.