Vice Ganda reacted to what Janella Salvador did to Kim Chui.

Naging laman ng ilang mga usap-usapan sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbisita ng aktres na si Janella Salvador kasama ng Thai-actor na si Wen Metawin sa noontime show na It’s Showtime para i-promote ang kanilang pelikulang Sa ilalim ng Parallel Skies.

Hindi pinalampas ng maraming netizens ang nangyari sa pagitan nina Janella Salvador at Kim Chiu sa nasabing guesting.

Sa nangyaring episode, kasama sa mga napag-usapan nila ang pagkakaroon ng 10th anniversary concert ni Janella Salvador kung saan masaya pang inimbitahan ni Janella Salvador ang mga madlang pipol na suportahan ang kanyang concert kung saan ipe-perform niya ng live ang kanyang panibagong kanta.

Dito na sumabat si Kim Chiu at nagrequest kay Janella Salvador ng sample sa kanyang new song para mapakinggan ng mga madlang pipol.

Hindi naman ito pinagbigyan ni Janella Salvador dahil sa kanyang pagkapaos. Sinabi pa ni Janella na sila nalang ang magsample.

Hindi naman ito nagustuhan ng maraming netizens lalo na’t hindi man lamang umano pinatapos ni Janella si Kim Chiu na magsalita.

Ang kinairita pa ng maraming fans ni Kim Chiu ay ang pagsasabi ni Janella na sila na lang ang kumanta gayung hindi naman alam ng mga host sa show ang kanyang kanta.

Ayon naman sa isang netizen na sana ay maayos namang sinagot ni Janella si Kim Chiu at maayos na umano na tumanggi dahil hindi naman umano ito pinilit hindi iyong pabalang na sagot.

Hinala naman ng maraming netizens na maging si Vice Ganda ay hindi rin nagustuhan ang ginawa ni Janella Salvador kaya naman sa isang segment ng show ay nagparinig ito gamit ang salitang binitiwan ni Janella Salvador.

Naging laman ng usapan sa social media at mga entertainment news sites ang di pagpayag ni Janella Salvador na kantahin ang kanta niya. Binastos ba si Kim Chiu? Makipanood sa video sa itaas upang malaman ang details.