Vice Ganda Nag Sorry Sa Mga Boss Ng GMA Network

 Agad-agad na humingi ng paumanhin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa GMA Pictures President na si Atty. Annette Gozon-Valdez.

Nangyari ang paghingi ng paumanhin ni Vice Ganda kay Atty. Annette Gozon-Valdez sa kalagitnaan ng kanilang segment sa It’s Showtime na Expecially For You kung saan naging special guest nila ang Kapuso aktres na si Rita Daniela.

Sa halip na ang news program ng GMA7, ang nabanggit nito ay ang news program ng ABS-CBN na TV Patrol.

Napansin kasi ni Vice Ganda ang ganda ng timbre ng boses ni Rita Daniela habang nagsasalita ito sa Expecially For You segment ng It’s Showtime.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa pamunuan ng GMA Network dahil hindi sinasadyang na-ipromote niya ang news program ng ABS-CBN.

Kaagad namang nagtawanan ang mga host ng It’s Showtime at sinabi pa ni Karylle na dapat ay nag-excuse me na lamang si Vice Ganda.

Pabiro namang ipinahayag ni Vice Ganda, na baka bawiin pa sa kanila ang natanggap nilang invitation para sa GMA Gala Night at masasayang pa umano ang gown na sadyang ipinagawa niya para sa nasabing event.

Sa kabilang banda, lalo namang nagngi-ngitngit ang ilang mga kritiko ni Vice Ganda dahil sa kanyang ipinahayag sa show.

Naniniwala ang ilang mga netizens na sinadya ni Vice Ganda ang pagsambit sa news program ng ABS-CBN. May mga nagsasabi pang talagang namimihasa na si Vice Ganda at hindi na ginalang ang GMA na siyang kumupkop sa kanila upang magkaroon ng mataas na ratings at reach ang kanilang programa.