Vice Ganda Calls Out Xian Lim for Deception Towards Kim Chiu

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging hirit ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kay Kim Chiu sa pinakabagong episode ng It’s Showtime sa segment na Expecially For You.

Naging makahulugan ang sinabi ni Vice Ganda kay Kim Chiu na hinala ng marami na siyang totoong nangyari kay Kim Chiu sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim.

Sa latest episode ng Expecially For You naging laman ng kanilang pag-uusap ang patungkol sa pag-iwan ng isang karelasyon sa kanyang karelasyon kahit maganda naman ang kanyang karelasyon.

Ayon kay Vice Ganda, kahit ang mga magaganda ay ipinagpapalit pa rin sabay tanong kay Kim Chiu dahil may nalalamang umano ang aktres na mag ganitong storya.

Tila nabigla naman si Kim Chiu at natawa na lamang sa sinabi ni Vice Ganda. Nang mapansin naman ni Vice Ganda ang pagkaasiwa ni Kim Chiu ay hindi na niya alam ang usapan at sinabing si Anne Curtis ay naranasan ring ipagpalit ng dating karelasyon.

Kaagad naman umani ng samu**’**t-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Vice Ganda, Ayon sa ilan na tila muling nadulas na naman si Meme at nakapagbigay ng impormasyon sa nakaraan nina Xian Lim at Kim Chiu.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens na nasa kabila ng pananahimik nina Kim Chiu at Xian Lim sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila, marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman rito ang babaeng kasa-kasama ngayon ng aktor na kinilalang si Iris Lee.

May mga nagpapayo naman kay Vice Ganda na dapat ay manahimik na lamang ito at pabayaan na lamang sina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang pagmomove on, Tanggapin na lamang din umano na talagang hindi sila para sa isa**’**t-isa.