
Vic Sotto reacts to “not guilty” plea of Darryl Yap
Naniniwala si Vic Sotto na gumugulong pa rin ang hustisya ng batas sa ating bansa.
Ito’y kasunod ng arraignment ng direktor na si Darryl Yap kaugnay ng cyberlibel case na isinampa laban sa kanya ng Eat Bulaga! host.
Sa ginanap na arraignment sa Muntinlupa Regional Trial Court nitong Martes ng umaga, June 3, 2025, naghain ng “not guilty” plea si Darryl.
VIC SOTTO reacts to “not guilty plea” of DARRYL YAP
Sa contract signing ng bago niyang endorsement ngayon araw, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang reaksiyon ni Vic sa “not guilty” plea ni Darryl.
“O, di, good,” sambit ni Vic na may halong biro.
Seryoso niyang dagdag: “Hindi, I cannot talk about it kasi it’s ongoing.
“Saka ako, naniniwala ako na gumugulong ang justice system natin. Nakikita naman natin.
“So whatever decision of the court will be, e, abangan na lang natin sa susunod na kabanata.”
Hindi na nagdagdag pa ng pahayag si Vic dahil umiiral pa rin nga ang gag order ng kaso.
Sa hiwalay na panayam naman sa legal counsel ni Darryl na si Atty. Raymund Fortun, sinabi nitong magkakaroon ng mediation bago ang unang pagdinig ng kaso sa Agosto.
Saad ng abogado: “Sa batas natin — at ito ang hindi alam ng karamihan — ninanais pa natin ang husgado na magkaroon ng maayos na kaayusan ng mga partido.
“Merong tinatawag na mediation proceedings. Mandatory po ito.
“At during the mediation ay sisikapin nung isang duly authorized and experienced na mediator na magkasundo yung mga parties.”
VIC SOTTO’S NEW ENDORSEMENT
Samantala, malaki ang pasasalamat ni Vic na siya ang nakuhang kauna-unahang endorser ng TinBo (Tindahan ni Bossing) ng PLDT Global Corporation (PLDT Global), isang app na makakatulong sa overseas Filipino workers (OFWs) na makapagbigay ng mahahalagang bagay at serbisyo para sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas.

Photo/s: Arniel Serato
Ang TinBo ay isang one-stop digital marketplace na magagamit ng OFWs para magpadala ng load, magbayad ng bills, at magpadala ng regalo sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Maaari itong i-download for free sa Google Playstore at App Store.
Source: Vic Sotto reacts to “not guilty” plea of Darryl Yap