Vic Sotto explains “next president” declaration about son Vico

Very proud father ang veteran comedian and TV host na si Vic Sotto sa muling pagkakahalal ng anak na si Vico Sotto sa kanyang ikatlong termino bilang alkalde ng Pasig City.

Hindi lang basta panalo kundi tinambakan nang milya-milya ni Mayor Vico ang kanyang kalaban sa nagdaang halalan.

Saad ni Vic, “I’m very proud of him and thankful, lalo na dun sa mga Pasigueño, dahil hindi sila nagpadala sa mga kung anu-anong kababalaghan.”

Ipinaliwanag din ni Vic ang pagtawag niya kay Vico bilang “susunod na presidente ng Pilipinas” sa kick-off ng Giting ng Pasig — ang tawag sa team ni Vico — noong Marso 28, 2025.

Pagpapakilala ni Vic sa anak nila ni Coney Reyes, “Heto na po, ipakikilala ko na po. Alam niyo naman siguro kung kanino nagmana, kanino pa, e, di sa nanay.

“Ayan na po ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto!”

Tumanggap ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa Pasigueños ang sinabi ni Vic.

Habang si Vico naman ay natawa, napailing, at nagtakip ng mukha na tila nahihiya nang marinig nito ang pahayag ng kanyang ama.

VIC SAYS “NEXT PRESIDENT” TERM REFERS TO “good governance”

Diretsahang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vic, “Nakikita mo bang papasukin ni Vico ang mas mataas na posisyon sa politics?”

“E, it’s up to him. Ang desisyon nasa kanya.

“Yung binitawan kong ‘next president,’ alam naman nating hindi siya puwede dahil underage” pagtukoy ni Vic sa kanyang 35-year-old son.

Paliwanag pa niya: “Pero, I have a deeper meaning nung sinabi ko yun, e.

“Ang gusto ko lang naman ipaalam, ipaabot sa mga nakikinig, ‘next president’ sana ay katulad niya.

“Na may prinsipyo, may paninindigan, may political will, na good governance talaga.

“Yung totoong good governance, hindi yung kuwento-kuwentuhan na good governance.

“Yun ang ibig ko sabihin nun. Sana yung next president natin, e, someone like him.”

VIC SOTTO’S NEW ENDORSEMENT

Nakakuwentuhan ng PEP.ph at ilan pang media si Vic sa contract signing nito bilang bagong endorser ng TinBo (Tindahan ni Bossing) ng PLDT Global Corporation (PLDT Global).

Ang TinBo ay isang app na makakatulong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na makapagbigay ng mahahalagang bagay at serbisyo para sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas.

Vic Sotto is PLDT Global's first-ever brand ambassador for TinBo.

Vic Sotto is PLDT Global’s first-ever brand ambassador for TinBo.

Naganap ang panayam sa Alabang Country Club, Alabang, Muntinlupa City, kahapon, June 3, 2025.

Ang TinBo ay isang one-stop digital marketplace na magagamit ng OFWs para magpadala ng load, magbayad ng bills, at magpadala ng regalo sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Sa nasabing event, ikinuwento ni PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real na magiging abala si Vic sa mga susunod na araw para sa promotion ng TinBo sa Hong Kong.

PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real.

PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real.

Makikisalamuha ang grupo sa HK Fest 2025, a three-day celebration of Philippine Independence, na magaganap sa June 13 to 15.

Doon ay ipalalabas para sa mga Pinoy ang mga dekalidad na pelikulang Pilipino sa gaganaping Makabayan Film Fest sa June 13 and 14. Mapapanood dito ang Song of the Fireflies, GomBurZa, at The Kingdom.

Mangyayari ito sa Emperor Cinemas iSQUARE kung saan ilang cast members ay inaasahang dadalo sa screening.

Sa June 15, ang Raffy Tulfo Action Center ay magkakaroon ng booth para sa selected pre-registered overseas Filipinos, na susundan ng HK Fest 2025 Saludo Concert.

Ang Saludo Concert ay star-studded, free musical show for Filipinos sa may Chater Road.

Ang TinBo ambassador na Vic Sotto ang mangunguna sa konsiyerto kasama ang co-hosts ng Eat Bulaga! at iba pang MediaQuest artists.

Magbibigay rin ang TinBo ng libreng e-tickets to para sa HK Fest 2025 events sa mga rehistradong TinBo users sa Hong Kong, kasama na ang mga bagong nagparehistro sa app at existing app users.

Para sa kumpletong detalye kung paano makakakuha ng libreng ticket, bisitahin ang TinBo website (www.tinbo.ph) or check the TinBo Facebook page (https://www.facebook.com/tinbo.ph).

Maaaring i-download ang TinBo app for free sa Google Playstore at App Store.


Source: Vic Sotto explains “next president” declaration about son Vico