Vic Sotto clarifies Eat Bulaga! hosting stint of Tito Sotto

Bukod sa re-election ng anak na si Vico Sotto bilang alkalde ng Pasig City, masaya rin si Vic Sotto sa muling pagkahalal ng kapatid na si Tito Sotto bilang senador ng bansa nitong 2025 elections.

Pangwalo si Tito sa senatorial race.

Ito ang panlimang termino ni Tito sa Senado na maituturing na record ng isang pulitiko sa bansa.

Pahayag ni Vic sa muling pagkakahalal ni Tito: “He’s okay.

“He’s very thankful also, of course, sa Panginoon at sa lahat ng mga bumoto, at patuloy na nagtitiwala, naniniwala sa kanya.

“And he’s a very good public servant, e. Malinis, talagang ang tanging nasa isip lang niya ay para sa kapakanan ng bayan.”

Tungkol naman sa fifth term ni Senator Tito, saad ni Vic, “He is a five-time elected senator, as of now, siya yung record-holder.”

Paano naman ang paghu-host ni Senator Tito sa noontime show nilang Eat Bulaga!? Araw-araw pa rin ba siyang mapapanood sa kanilang programa?

Aniya: “A, no, no, no. Hindi siya puwede mag-every day kasi priorities yan, e.

“Right now, priority niya is the Senate. Di naman puwede na pagsabayin yun.

“So, siguro on special occasions, he’ll be there. Nandoon lang siya ngayon kasi di pa nagsisimula yung kanilang term. Sa July 1st pa.

“So, siguro pag Saturdays or may special events, sa aming 50th anniversary, mga ganun na lang.”

VIC SOTTO ON TAPE’S TONY TUVIERA

Hiningan din ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) ng pahayag si Vic ukol sa isyu ng TAPE executives na sinampahan ng reklamong estafa ng GMA Network.

Ngunit, hindi ito masyadong nalinaw ni Vic.

Ang tiniyak niya ay magkaibigan pa rin sila ni Mr. Tony Tuviera, isa sa may-ari ng TAPE (Television And Productions Exponents), Inc.

Saad niya: “Uh, no. We’re in touch with Mr. Tony Tuviera.

“He’s still a good friend of ours.

“Pero yung sa mga TAPE executives, wala na kaming contact.”

Masaya ba silang nakaalis na ang Eat Bulaga! sa pamunuan ng TAPE?

Tugon ni Vic: “I don’t know. I think it’s fate, e. It’s blessing in disguise.

“Parang yung pagkakatanggal sa amin, parang, kumbaga nagsara, pero kinabukasan mas malaking pinto [ang nagbukas].

“So, siguro suwerte na rin. Ganun talaga ang tadhana.

“May paminsan-minsan, e, naglalaro. Ang maganda lang, maganda yung paglalaro ng tadhana sa amin.”

Sa ngayon, abala si Vic sa promotion ng bago niyang endorsement na TinBo (Tindahan ni Bossing) ng PLDT Global Corporation (PLDT Global).

Vic Sotto with PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real during the contract signing at Alabang Country Club in Muntinlupa last June 3, 2025.


Vic Sotto with PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real during the contract signing at Alabang Country Club in Muntinlupa last June 3, 2025.

Photo/s: PR Photo



Ang TinBo ay isang app na makakatulong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na makapagbigay ng mahahalagang bagay at serbisyo para sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas.

Source: Vic Sotto clarifies Eat Bulaga! hosting stint of Tito Sotto