Vhong Navarro Speaks Up After Taguig RTC Verdict Against Deniece and Cedric Lee

Kaagad na naglabas ng pahayag ang TV-host, aktor na si Vhong Navarro sa inilabas na desisyon ng korte kung saan hinatulan sina Deniece Cornejo at Cedric Lee ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Labis ang sayang nararamdaman ngayon ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa natamong legal victory laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Tuluyan nang inilabas ng Taguig Regional Trial Court ang kanilang hatol laban sa mga akusado na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero nitong Hwebes ng umaga ng May 2, 2024.

Hinatulang guilty ang mga akusado at ipinag-uutos na rin ng korte ang agarang pag-aresto sa mga ito upang harapin ang parusang habambuhay na pagkakabilanggo.

Bagama’t maari pa namang iapela ng mga akusado ang desisyon ng korte, kinansela naman ang kanilang bail bond.

Samantala, kaagad naman naglabas ng reaksyon si Vhong Navarro sa naging hatol ng korte sa mga akusado.

Nitong, hwebes ng tanghali sa noontime show na It’s Showtime, ibinahagi ni Vhong Navarro ang kanyang nararamdaman sa naging desisyon ng korte.

Ipinahayag ni Vhong Navarro ang kanyang pasasalamat sa nakamit na hustisya matapos ang mahigit isang taon na naghihintay.

Unang pinasalamatan ni Vhong Navarro ang Panginoon na palaging nakagabay sa kanya. Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang Taguig Regional Trial Court sa hatol laban sa mga akusado.

Hindi rin kinalimutan ni Vhong Navarro na pasalamatan ang kanyang legal team sa pangunguna ni Atty. Alma Mallonga dahil sa hindi nito pagbitaw at pagsama sa kanya hanggang sa nakamit na umano niya ang nararapat na hustisya sa ginawa nina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang kasamahan sa kanya.

Bukod sa mga ito, ay pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang kanyang ABS-CBN family na hindi tumalikod sa kanya, nagtiwala at naniniwala sa kanya.

Ipinahayag din ni Vhong Navarro ang kanyang pasasalamat sa kanyang manager na si Direk Chito Rono, at mga kaibigang kasama ng Streetboys.

Maging ang mga fans na patuloy na naniniwala sa actor-TV host ay hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanya sa likod ng maraming pambabatikos.

Talagang makabagbag-damdamin rin ang mensahe ni Vhong Navarro para sa kanyang It’s Showtime Family na tumanggap sa kanya pagkatapos ng mga pinagdaanan.

Sa staff ng Showtime, Showtime family, maraming salamat kasi hinahabaan niyo yung pasensiya niyo.
Kasi minsan lutang ako, rollercoaster pinagdaanan ko, ang hirap explain, pero minsan sabaw ako dito, e.
Pero nandiyan kayo, kahit yung mga bitaw ko, mga hirit ko, e, sablay, papuntang norte, papuntang south.
“Hindi ko alam, pero nandiyan kayo to support me, dahil alam kong mahal na mahal niyo ako.”

Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang kanyang pamilya, ang kanyang mga anak, at asawang si Tanya Bautista na ala m niyang labis na naapektuhan sa pinagdaanan niyang legal battle.

Malaki ang pasasalamat ni Vhong Navarro sa kanyang asawa, dahil sa kabilang sa paghihirap at pagiging imperfect husband niya ay hindi pa rin siya nito iniwan.

Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa pagkatalo nila sa kaso.