Veteran actor Francis Mata on nude scene in Vivamax movie

Sakdal husay ang beteranong aktor na si Francis Mata bilang Pilosopo Tasio sa Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra na umere noong Oktubre 2022 hanggang Pebrero 2023 sa GMA-7.

francis mata maria clara at ibarra
Francis Mata as Pilosopong Tasio in Maria Clara At Ibarra

Photo/s: GMA Network

Pero mas takaw-pansin ang pagganap niya sa Vivamax movie na Cita, na nag-streaming umpisa Hunyo 18, 2024.

Wagas ang lampungan nila ni Zia Zamora. Walang saplot si Francis sa eksena. Maluwalhati ang butt exposure niya.

“Hindi ako yun! Impostor yun! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ng 60-anyos na character actor sa mediacon ng Sinag Maynila 2024 finalist na Her Locket nitong Agosto 27, Martes, sa Oriental Palace restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Tinalbugan niya sina Julio Diaz at Alan Paule sa kapangahasan sa Vivamax projects. Taob lalo si Rez Cortez na hindi “pwetmalu” sa pinagbidahang pelikula na Mang Kanor sa deactivated streaming platform na AQ Prime.

Mas maalab at mas mapusok si Francis. First time niyang gawin iyon?

Napangiti ang beteranong aktor, “Yung ganun ka-daring, yes. Pero that’s my sixth Vivamax na.”

Naunang gawin ni Francis sa Vivamax ang mga pelikulang Bela Luna, Langitngit, Relyebo, Laruan, at Tahan.

cita poster

FRANCIS MATA ON DOING DARING SCENE

Sampung taong gulang si Francis nang mag-umpisang umakting sa teatro. Limang dekada na siyang artista.

Nag-hesitate ba siya nang magtalop nang wagas sa Cita, sa direksiyon ni MJ Balagtas?

“Alam mo, maganda rin kasi kung kaibigan mo yung direktor, e,” pagmamatuwid ni Francis.

“Kasi other than that, mahirap akong kumbinsihin to do such a… you know, material.

“Although if it was not cut short into 45 minutes… supposedly kasi, full-length dapat, e. May istorya. Talagang maganda ang istorya.”

Ginusto o pinangarap ba niyang gawin ang mga ganoon katinding eksena eksena?

Ang beteranong aktor na si Jess Evardone, handang mag-frontal nudity sa eksenang pinapaliguan siya ni Paolo Gumabao sa Lockdown (2021). Mag-ama ang papel nina Jess at Paolo sa nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

Sinabihan ni Direk Joel ang DOP (director of photography) na iwasang makunan ang ari ni Jess.

“Alam mo, wala yun sa pagpapakita o ano. It’s the way you collaborate with DOP, yung direktor,” wika ni Francis.

“Tapos yung lighting also. Kasi, dun lalabas yung kagandahan nung material, no.

“Oo nga, nag-frontal ka nga. Meron ka nga…”

Hindi pa naman siya nag-frontal sa Vivamax, ahh?!

“Hindi nga, kung saka-sakali, pero hindi naman maganda ang kuha — it defeats the purpose.”

Willing pa ba siyang gumawa ng kasintindi ng ginawa niya sa Cita?

Mabilis na tugon ni Francis, “If the role calls for it, why not?”

MOST DARING SCENE IN THEATER

Sa teatro, ano ang pinakamapangahas niyang ginawa? Marami-rami na ring aktor ang naghubad sa theater…

“Theater, I have done not yung pagpapakita ng skin pero kissing another… same sex, you know, actor,” sambit ni Francis.

Nakipaghalikan siya sa kapwa lalaki sa 2015 production ng dulang King Lear.

“That was with Sir Tony Mabesa. We did Filipino and English version. Yon, may scene dun, si Cornwall saka si Edward, na may kissing scene,” lahad ni Francis.

“Kasi, during that time, yung paghahalik ng kapwa mo lalaki, was because of power. Not because of yung sexuality.”

king lear poster

Sa tinagal-tagal niya sa teatro at showbiz, nakaranas ba siya ng sexual harassment?

“Wala, wala naman.”

Batid ni Francis na nangyayari iyon sa iba. Binanggit niya ang pangalan ng isang veteran male singer na naging biktima ng sexual harassment.

Tila hindi na masyadong nadadalirot ang sexual harassment sa teatro matapos ang eskandalo sa isang high school sa Laguna.

“Well, true. Yun naman, alam mo naman ang istorya, e. There’s each side, and then you know, it just brushes off into thin air,” pagkibit-balikat ni Francis.

Nakita rin niya iyong gamitan? Iyong willingness ng mga baguhan sa industriya na magpagamit upang upang umangat ang kanilang career.

“Oo naman, yeah. Again, it boils down sa beauty ng pagkakagawa. Nasa DOP yan, kasi siya ang nakakakita,” pananalig ng beteranong aktor.

“Di ba? Kung ano ang tema na gusto mo. Sabi nga niya kanina, generational. Ano bang kulay nung araw? Ano ba yung kulay ngayon? Di ba?

“Iba, e. Mas makulay ngayon kaysa noong araw.”

FRANCIS MATA ON BEING ACKNOWLEDGED AS AN ACTOR

Bilang veteran actor, wala siyang regrets sa mga pinagdaanan niya?

Sagot ni Francis, “Ito na lang. Pinakita ko sa isang co-actor ko yung trailer ng Cita. Tapos sabi sa akin, ‘Brother, close na tayo!’ ‘Ba’t close na tayo?’

“‘Mas close na tayo ngayon!’ ‘Bakit?’ ‘E, nakita ko na yung behind mo.’

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘What I’m worried about is, it would either make me or break me.’ Yung palabas na yon.

“Sabi niya, ‘Brother, don’t think about it. Bakit si Kuya?’ Hindi na ako magsasabi ng pangalan.

“‘Bakit si Kuya? He started that way. Where is he now?’”

Si Jaclyn Jose ay sumabak sa mga mapangahas na pagganap noong umpisa, pero kinilala ang husay hanggang sa Cannes.

Sa kaso ni Francis, andoon pa rin ang respeto sa kanya, at pagtingin bilang mahusay na character actor.

“Yun naman ang hinihiling ko. Hindi ko naman hinihiling sumikat, e.

“Hinihiling ko lang, respeto,” sabi ni Francis.

Nakaranas na ba siya ng disrespect mula sa industriya?

“Wala pa naman, wala pa naman… kayo sa PEP, you guys wrote beautiful not just one but several write-ups about me portraying Pilosopo Tasio!” bulalas ni Francis.

“Ay, naku! I was to the floor and crying, I said, ‘This is the first time somebody wrote about me recognizing my art.’

“Yun! It really made me feel great. As a matter of fact, mga pamangkin ko pa ang nakakita. ‘Tito, sikat ka na!’ ‘Ha?! Hindi, ahh!

“Pinabasa sa akin. Sabi ko, ‘Wow!’ And that was by far for now, until now, ha… that was my favorite role, Pilosopo Tasio.”

Lumabas din si Francis sa Kapuso primetime series ni Ruru Madrid na Black Rider.

Ipinagmalaki niya na maganda rin ang papel niya sa Kapuso afternoon drama series na Prinsesa ng City Jail na nakatakdang ipalabas sa Oktubre. Ang papel niya ay lolo ni Allen Ansay.

Nasa cast din ng Prinsesa ng City Jail sina Sofia Pablo, Beauty Gonzalez, Denise Laurel, Dominic Ochoa, Ayen Laurel, Al Tantay, Keempee de Leon, Jean Saburit, Ina Feleo, Joyce Ching, Will Ashley, Radson Flores, Lauren King, at Minnie Aguilar. *

HER LOCKET

Ang Her Locket na idinirek ni J.E. Tiglao ay isa sa pitong full-lengrh films na finalists sa Sinag Maynila 2024 na gaganapin sa Setyembre 4-10.

Ang synopsis ng Her Locket: “Jewel Ouyang was once an actress and the daughter of a wealthy Chinese businessman until she suffered from dementia and lost everything.

“She is being cared for by his lawyer son, Kyle Nicolas, who later hired Teresa Firmante, a caregiver who desires to undergo rhinoplasty to escape her present life.

“One morning, Jewel stumbles upon a locket necklace containing an old photo of herself with her parents.

“Teresa soon realizes that this locket is aiding Jewel in slowly recalling her memories of the past — her childhood, her mischievous adolescence, her husband, and her dysfunctional relationship with her older brother, Magnus Ouyang, whom she believes forged their deceased father, Jasper Ouyang’s, last will and testament in order to keep her out of the inheritance.

“Jewel seeks out vengeance and retribution as she later faces Magnus in court.”

Maliban kay Francis Mata, nasa cast ng Her Locket sina Rebecca Chuaunsu, Elora Españo, Boo Gabunada, Sophie Ng, at Benedict Cua.

her locket presscon